Aki Angulo-Macacua Cracks Code In Achieving Her Aesthetic Travel OOTD

Matapos ibida ang kanilang Taiwan travel diaries, sunod naman ipinasilip ng Team Payaman member na si Aki Angulo-Macacua ang kanyang out-of-the-country OOTDs.

Alamin ang kanyang sikreto sa pagbuo ng kanyang weather-proof clothing items na pasok sa kanyang aesthetic Instagram feed.

Couple Goals

Sa isang Instagram post, buong galak na ibinahagi ni Aki Angulo-Macacua ang kanyang curated OOTD guide na kanyang ginamit sa Taiwan para sa kanilang anibersaryo ng kapwa TP member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong.

Kapansin-pansin sa kanilang mga Instagram posts ang matching OOTDs nilang mag-asawa na umani ng papuri mula sa netizens.

Ilan sa kanilang mga pangmalakasang OOTD ay ang pagsuot ng jacket, skirt, at boots para kay Aki at collared polo shirts at accessories naman para kay Burong.  

”How can I go to Valentine’s Day post without sharing you this from our Anniversary? In case you’re curious how we color coordinate our outfit as a couple when we travel… here’s our OOTD guide,” ani Aki.

OOTD Guide

Una na sa payo ni Abi ay ang pagbuo ng ‘mood board’ kung saan maaaring pagsamahin ang ilang mga inspirasyon ng damit online. Sa hakbang na ito, payo rin ni Aki na mamili ng kanilang susundin na ‘color palette.’

Sunod naman sa kanyang listahan ay ang pagpaplano ng kanilang OOTDs bawat araw. Maaaring maghanap muna sa cabinet o hindi kaya’y bumili kung sakaling kinakailangan.

Pinaalalahan din niya ang mga followers na ikunsidera ang panahon sa pagpili ng mga suoting kanilang babaunin sa ibang bansa.

Likes:
0 0
Views:
21
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *