Carla Abellana Raids Viy Cortez-Velasquez’s Closet

Personal na binisita ng GMA actress na si Carla Abellana ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Tunghayan ang masaya at kwelang closet raid vlog na handog ni Carla Abellana sa kanyang mga manonood.

Viviys’ Closet Tour

Sa bagong vlog ni Carla Abellana, kanyang ibinahagi sa mga manonood ang closet ng TP vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Masayang ipinasilip ni Viviys ang kanyang munting walk-in closet sa aktres na si Carla. Labis ang tuwa niya nang mapagbigyan siya ng naturang TP vlogger.

Agad na humanga si Carla nang makita ang hitsura ng walk-in closet ni Viy, na ayon sa kanya ay nabuo noong taong 2024.

“Napansin ko color coordinated din [‘yung mga damit]!” komento ni Carla.

Sunod naman sa kanilang sinilip ay ang vanity area ni Viy kung saan niya ginagawa ang kanyang ‘Get ready with me’ contents.

Namangha rin si Carla nang masilayan ang bag, shoes, at perfume collection ni Viy.

”Kaunti lang daw ‘yung bag niya pero ‘yung pinakamamahalin sa mundo ang nandoon!” biro niya.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa unexpected vlog collaboration nina Viy at Carla.

@ChrizelMaelson: “Natatawa ako kay Viy, parang gusto niya hampasin si Ms. Carla habang natawa pero hindi niya magawa!”

@SyrelAubrey: “Very kind, Viy! Always saying ‘po.’

@lilyyy_jf: “Hehe ang galing ni Viy talaga basta may collab siya sa mga artist na kilala! Nakakapanibago na hindi siya ma-talk here pero super cute! Unexpected collab!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
16
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *