
Road to clear skin naman ang sunod na isinagawa ni Pat Velasquez-Gaspar matapos maabot ang kanyang fitness goals.
Alamin kung paano sinimulan ni Pat ang kanyang ‘balik-alindog’ program kasama ang kanyang paboritong aesthetic clinic.
Skin Goals
Matapos mapagtagumpayan ang kanyang fitness goals para sa taong 2026, road to clear skin naman ang sunod na proyektong pinagkakabalahan ni Pat Velasquez-Gaspar.
Matatandaang bumisita si Pat sa Beauty Couture Aesthetic Clinic BF Homes Branch upang isagawa ang kanyang fat-melting treatments. Ngayong taon naman, ibang treatment naman ang sinubukan ni Pat para sa kanyang balik-alindog program—PDRN Bio Regeneration.

Kwento ni Pat, ang kanyang balat ay nakakaranas ng uneven textures, small bumps, at acne, dahilan upang subukan niya ang ipinakilalang facial treatment.
”I know facial improvement takes time so this really needs consistency and trusting the process,” aniya.
Ayon sa may-ari ng nasabing aesthetic clinic, ang PDRN Bio Regeneration, o mas kilala sa tawag na Vampire Facial, ay isang uri ng treatment na nakakatulong sa pagbuo ng collagen sa loob ng katawan. Nakatutulong din ito sa pagtanggal ng dryness at dullness sa balat.
”It’s giving your skin the boost from the inside,” paliwanag pa ni Pat.
Nilinaw din ng mga doktor na aabutin ng ilang linggo ang paggaling ng mukha mula sa treatment kung kaya’t pasensya at pag-aalaga sa balat ang kinakailangan.

Face Reveal
Dahil patuloy pa rin ang pagpapagaling ni Pat sa kanyang post-treatment skin, nangako siya na ibabahagi niya ang before and after results ng kanyang Vampire Facial treatment.
“Super excited ako sa mga susunod na araw sa aking progress ng face!” kwento ni Pat.
Abangan sa kanyang social media pages ang mga pagbabago matapos ang kanyang first Vampire Facial session!


