CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano muli ang isinagawa ni Junnie laban sa kapwa TP member.

Tunghayan ang kwelang mga tagpo at pagtulong nina Bok Magnata at Burong Macacua sa plano ni Junnie kontra kay Boss Keng.

PAPAGALIT

Sa kanyang bagong vlog, muling pinahalakhak ni Junnie Boy ang mga manonood sa content wars nila ng bayaw na si Boss Keng.

Matatandaang tinangkang puslitin ni Boss Keng ang espadang iniingatan ni Junnie Boy. Dahil dito, nagbunga ang content wars kung saan ipinapakita ni Junnie kung paano niya iniingatan ang pamilya sa loob ng bagong tirahan.

”Hindi ito basta bastang espada lang. Sa pamamahay ko, ito ang nagsisilbing responsibilidad, at hindi mo mabubuo ang salitang responsibilidad ng walang [salitang] DAD,” bungad ni Junnie.

Kanyang kinasabwat ang mga kapwa TP members na sina Bok at Burong upang matulungang mapanatili ang seguridad sa loob ng kanilang tahanan. Nagsama ang tatlo upang planuhin ang kanilang pagprotekta sa kanilang espada ni Viela. 

Una sa kanilang plano ay ang pagtukso sa Team Boss Madam gamit ang pagbibigay ng mamahaling sapatos upang maibalik ang kanilang ‘weapon,’ na agad namang tinanggihan Nelson. 

Sunod naman sa kanilang plano ay ang pagbantay kina Boss Keng sa tulong ni Genggeng na hindi rin nagtagumpay dahil mali pala ang nabantayang bahay nito.

Operation Sagip Elsa

Dahil hindi nagtagumpay sa kanilang unang dalawang plano, naisip ni Junnie na isagawa ang ‘Operation Sagip Elsa,’ kung saan nagdecoy sina Junnie upang hindi makilala ng Team Boss Madam. 

Sa tulong ni Burong, kanyang nilito at inurat sina Boss Keng gamit ang kanyang palaro na ‘A.I. Ask Me Random Question.’

Matapos masagot ang ilang katanungan, matagumpay na nakapasok sina Junnie at Bok sa bahay nina Boss Keng at kinuha naman ang mga laruan ni Isla bilang ganti sa pagkuha ng laruan ni Viela.

“Mga dinosaur ng anak ko ‘yan!” reaksyon ni Boss Keng.

Agad na sumugod si Boss Keng sa tahanan ng pamilya Iligan-Velasquez upang ibalik ang laruan ni Viela. Bilang patibong, bilang lamang ang mga laruang ibinalik naman ni Junnie kay Boss Keng.

Nagtapos ang vlog matapos magkapatawaran ng nina Boss Keng at Junnie.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
14
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *