Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo, Benta Mo’ serye.

Mapagtagumpayan kaya ng dalawa ang paggawa at pagbenta ng Pastil sa kapwa Team Payaman members?

Pastil de Amore

Sa kanyang recently-uploaded video, kasama ni Viy Cortez-Velasquez ang kapwa Team Payaman member na si Dudut Lang para isang kwelang cooking session.

Hindi lang basta magluluto ang dalawa dahil naisipan din ni Viy na ibenta ang kanilang magagawang putahe—ang Chicken Pastil.

Buong galak na tinulungan ni Dudut si Viviys sa pagluluto dahil ayon kay Viy ay may karanasan na ito sa paggawa ng pastil.

Binigyan din ng ilang trivia ni Dudut si Viy patungkol sa pinagmulan ng nasabing putahe—mula sa mga Maranao.

Maya maya pa ay sumali na rin si Kidlat sa cooking session ng kanyang Mommy Viy at Tito Dudut.

Tinulungan niya ang kanyang Mommy Viy sa paghihimay ng manok na siyang pangunahing rekado ng pastil.

Screenshot

Matapos magluto, agad na binenta ni Viviys ang inihandang pastil sa mga kapwa TP members.

“Sarap ah!” reaksyon ni Cong TV.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa content na hatid nina Viviys at Dudut.

Jessica Llamera-Canlas: “More collab with Dudut sa Luto Mo, Benta Mo hehehe.”

Jah Jah: “Nagutom ang buntis sa video na ito!”

Binibini Len: “Nakakatuwa si Dudut, passionate magluto.”

Precious Ann Ringor Samonte: “Ang cute mo po, Ms. Viy, ang kulit lang hehe”

Likes:
0 0
Views:
12
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *