Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng tirahan pagpasok ng taong 2026.

Samahan sina Burong sa kanilang moving out journey kasama ang asawang si Aki Angulo.

New Year, New Home

Sa kanyang bagong vlog, inanunsyo ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanilang paglipat sa bagong tahanan.

Kwento niya, napagdesisyunan na nilang lumipat dahil sa patuloy na pagtaas ng renta.

Agad na naglipat ng mga kagamitan si Burong, at isang empty house tour ang kanyang ipinasilip sa mga manonood.

Naging hands-on din si Burong at asawa niyang si Aki sa paglilinis at pag-aayos ng kanilang bagong tahanan. Bagamat marami pa ang kailangang ipaayos, excited pa rin si Burong sa progreso ng kanilang paglilipat.

Namili rin si Burong ng ilang mga kagamitan sa Home Along para sa dekalidad at murang home appliances.

Congratulatory Messages

Marami sa mga manonood ang natuwa at nagpahatid ng kanilang pagbati para sa panibagong milestone para kay Burong.

@jurielle3231: “Good luck sa new chapter SpeedBurs. Content wars sana sunod subdivision nila Junnie and Keng vs. kayo nila Cong.”

@markkennethhullero6802: “From NYEPLA vlog after 5 years! Magkakalayo na sila, lahat dinala ni Mossing sa taas! Labyu mossing, iba ka sa iba!”

@sophiacortez9695: “Solid pa rin samahan ng Team Payaman kahit kanya kanya na sila ng bahay pag nagkasama-sama, parang wala pa rin nag-bago.” 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
10
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *