Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng Team Payaman Mommy na si Viy Cortez-Velasquez, dahil naging emosyonal at puno ng inspirasyon ang pagbisita ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Big Winner na si Mika Salamanca.

Sa nasabing vlog, binalikan ng dalawa ang kanilang humble beginnings noong 2018 kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan sa simpleng pag-order ni Mika ng lip tints kay Viviys online.

Sino ang mag-aakalang ang dati’y seller at customer, ngayon ay dalawa na sa pinakasikat na pangalan sa industriya?

Answered Prayer

Sa kabila ng ningning ng kanyang career ngayon, inamin ni Mika na hindi biro ang kanyang schedule na umaabot ng Lunes hanggang Linggo. Gayunpaman, tila answered prayer ito para sa dalaga.

“I remember, there was a time… pinagdasal ko talaga, ‘Lord, Panginoon, bigyan mo ako ng like trabaho to the point na wala na akong pahinga.’ Pero pag nandun na pala, be careful what you wish for,” kwento ni Mika.

“Kasi pag binigay ng Panginoon talaga specifically what you ask for, mabu-bombastic ka talaga. Pero at least kung ano talaga yung pinag-pray mo, binibigay ng Panginoon,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin niya na sa kabila ng puyat at pagod, nananatili siyang mapagpasalamat dahil itinuturing niyang second chance ang kanyang bagong imahe matapos ang PBB.

PBB House Revelations

Hindi rin nakaligtas sa usapan ang mga sikreto sa loob ng bahay ni Kuya. Kinumpirma ni Mika ang kawalan ng privacy, maging sa paliligo—at ang hirap ng hindi alam ang oras o petsa sa loob ng apat na buwan. 

Ayon sa kanya, ang housemate na si Will Ashley lamang ang nagsilbi nilang “human calendar” dahil ito ang matiyagang nagbibilang ng mga araw.

Pinatunayan din ni Mika na genuine ang samahan ng kanilang grupong “Pamilya de Guzman,” lalo na ang malalim na samahan nila ni Ate Klang na naging sandigan niya sa loob ng bahay.

The Grand Prize

Isa sa mga pinaka-hinahangaang rebelasyon ay ang desisyon ni Mika na i-donate ang buong P1 million cash prize niya mula sa PBB sa “Duyan ni Maria,” isang ampunan sa probinsya ng Pampanga. 

Ayon kay Mika, ang perang ito ay bonus na galing sa Diyos at mas nararapat na gamitin para makatulong sa iba.

Nilinaw din ng dalaga ang tunay na estado nila ng PBB partner na si Brent Manalo. Bagama’t malakas ang chemistry at pressure mula sa fans, nananatiling ‘best friends’ at platonic ang kanilang relasyon, na napagdesisyunan nila para sa kanilang authenticity.

Bukod sa pag-arte sa mga seryeng The Secrets of Hotel 88 at Call Me Mother kasama sina Vice Ganda at Nadine Lustre, proud author na rin si Mika ng kanyang children’s book na pinamagatang “Lipad.” Layunin ng libro na protektahan ang mental health ng mga bata laban sa masamang epekto ng social media.

Sa pagtatapos ng vlog, kitang-kita ang paghanga ni Viy sa determinasyon at kababaang-loob ni Mika. Isang patunay na ang tagumpay ay hindi lang tungkol sa swerte, kundi sa tibay ng pananalig at busilak na puso.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
12
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Comments are closed.