
Isang kwento ng pagsusumikap ang handog ni Aaron Oribe sa mga manonood.
Taglayin ang inspirasyong hatid ni Aaron matapos ang kanyang munting interview kasama ang UnionDigital Bank.
Rise from Fall
Sa isang Facebook post, bumida sa brand testimonial ng UnionDigital Bank ang isa sa mga masisipag na crew ng Big Roy’s Boodle Fight na si Aaron Oribe.
Nakilala si Aaron matapos ipalabas ng Team Payaman head na si Cong TV ang ‘ISTASYON’ vlog kung saan ipinasilip ang kanilang pagtulong na mabigyan ng magandang buhay si Aaron.
Sa nasabing interview, inilahad ni Aaron ang kwento ng kaniyang pagsusumikap na pagpapatunay ng kanyang #KwentongKayaMo.
“Alam kong #KayaMo kasi kailangan din nating magtiwala sa sarili natin na kaya natin,” bungad ni Aaron.

Kwento ni Aaron, malaki ang naging tulong ng ‘ISTASYON’ vlog ni Cong TV dahil marami ang nagpaabot ng kanilang suporta at tulong sa bagong TP member.
“Noong hindi ko pa namemeet ang isang Cong TV, sobrang madilim ang pinagdaanan ko,” kwento niya.
Hindi itinanggi ni Aaron na humarap siya sa mga mahihirap na hamon noon at pinipili niyang magsumikap upang mabuhay ang kanyang sarili at mga mahal sa buhay.

Sa likod ng kanyang mga pinagdaanan, ibinida ni Aaron na pinilit niyang maitawid ang kanyang pag-aaral.
Kanya ring nabanggit na sa bukod sa hirap ng buhay, lumayo rin ang mga mahal niya sa buhay dahil sa kanyang bisyo.
Ngayon, taas noo nang ginagawa ni Aaron ang lahat upang mapabuti ang kanyang buhay pati na rin ng kanyang pamilya.
“Kinakaya ko po kasi may anak ako,” saad ni Aaron.
Netizens’ Comments
Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa kwentong handog ni Aaron patungkol sa kanyang muling pagbangon.
EJ Mallari Odulio: “God bless!”
Chris Bon: “Tuloy tuloy lang boss Aaron Oribe!”
Ange Lou: “Love it! Maraming salamat sa napaka-inspiring na kwento ng buhsy mo, Aaron!”




