Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa madla sa pamamagitan ng isang kwelang vlog.

Kilalanin kung sino nga ba si ‘Felix’ at kung ano ang talentong kanyang ipinamalas sa harap ng camera.

FELIX NAVIDAD

Sa kanyang bagong vlog, napunta sa simpleng all-boys bonding sa isang masayang singing session sa loob ng tahanan ng pamilya Velasquez-Gaspar.

Present sa kantahan sina Michael Magnata, a.k.a Mentos, Nelson Mendoza, Nigel Tagle, Ezekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, at ang bagong editor ni Pat Velasquez-Gaspar na si Ipe Canales.

Laking gulat ng lahat nang marinig ang boses ni Ipe matapos siyang pasahan ng mikropono upang kumanta.

“Ang galing niya. Sa sobrang galing, wala na akong masabi!” komento ni Nigel. 

Biro naman ni Boss Keng, “Naririnig mo na kami kumanta, dapat kinukuha mo na ‘yung mic.”

Bukod sa pagkanta, ibinida rin ni Ipe ang kanyang karanasan sa pag-arte at pagbuo ng mga maliliit na pelikula, dahilan upang isalang siya ni Boss Keng sa isang mabilisang acting session.

Agad ding namangha ang kanyang mga kasamahan sa kanyang galing sa pag-adlib at pagbitaw ng emosyon.

Matapos masilip ang talento ng kanilang editor, dinala ni Boss Keng si Ipe sa Big Roy’s Boodle Fight sa Molino upang ibahagi sa iba ang kanyang galing sa pag-awit.

Upang mas maging masaya ang performance, binigyan ni Boss Keng ng screen name na ‘Felix’ ang kanilang editor. 

Marami ang humanga sa talentong handog ni Ipe matapos nitong maghandog ng live performance. Nakisaya rin sa nasabing palabas si Aaron Oribe, isa sa mga kilalang empleyado ng Big Roy’s na natulungan ni Cong TV.

Applauding Comments

Samantala, marami ang humanga at ninais pang makilala si Ipe, a.k.a Felix, na humihiling na maisama pa siya sa mga vlogs ni Boss Keng.

@irafolloso273: “Huy pero galing ni kuya ah! bagay sa kontrabida role haha!”

@Fyuuu-o9d: “Grabeee may na unlock na naman si boss keng sa isang member ng TP. Ito dn tlga kagandahan ng TP pati mga editor, videographer etc. mga talented din talaga. Walang tapon kumbaga! sisikat ka na rin, sir didikit ka lang sa tamang tao.”

@bossklipurd7048: “New character unlocked!”

@Avoan: “Kanya kanyang bahay, kanya kanyang bagong discover pala to. Sino kaya kay Junnie kung meron man?”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
28
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *