Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, nang mag day-off ang kanilang mga angels.

Ano naman kaya ang reyalisasyon ng mag-asawang Cong at Viy matapos makasama ang mga anak na sina Kidlat at Tokyo?

No ‘Nanays’ For A Day

Sa bagong vlog ni Viviys, tinanggap nila ni Daddy Cong ang hamon ng pag-aalaga ng kanilang mga anak habang nagpapahinga ang kanilang mga tagapag-alaga.

Nag-check in ang Pamilya Cortez-Velasquez sa isang hotel kung saan hinayaan ng dalawa ang kanilang mga ‘angels’ na mamasyal at mag-relax.

“Madali lang naman mag-alaga ng mga bata. One day lang wala ang mga angels. Ano kaya ang pwedeng mangyari?” bungad ni Viviys.

Pagkaalis pa lang ng mga Nanay ni Kidlat ay agad na siyang naging emosyonal, dahilan upang maging patuloy siya sa pag-iyak.

Bagamat nag-eenjoy ang kanilang mga angels, hindi pa rin nila maiwasang mag-alala para sa magkapatid na Kidlat at Tokyo.

“Maghahabol dito si Kidlat. Kahit si Tokyo iiyak ‘yun eh,” ani Ate Lyn at Ate Anna.

Sa gitna ng pagiging emosyonal ng kanilang mga anak, halinhinan sina Mommy Viy at Daddy Cong sa pagbabantay at pag-aaruga kina Kidlat at Tokyo.

Naging kaagapay rin nina Mommy Viy at Daddy Cong ang panganay na si Kidlat sa pagpapainom ng gatas at pagbabantay sa kanyang bunsong kapatid.

“Very good ang Kuya!” pagbati ni Mommy Viy.

The Realizations

Nang mapatulog na sina Kidlat at Tokyo, oras naman para kina Mommy Viy at Daddy Cong na makapag-bonding. 

Ikwinento ng dalawa ang kanilang pasasalamat sa kanilang angels dahil anila’y hindi biro ang pag-aalaga ng bata.

“Ang saya rin na tayong dalawa ang nag-aalaga kasi hindi naman talaga natin ‘to ginagawa kasi lagi tayong may trabaho,” ani Viviys.

“Laki talaga ng tulong sa atin nina Ate Acar,” komento ni Daddy Cong.

“Totoo, kasi hindi na tayo makakakilos pag wala sila kasi kailangan talaga nakatutok ka,” dagdag pa ni Viviys.

Samantala, marami rin sa mga manonood ang naaliw sa vlog content na hatid nina Mommy Viy at Daddy Cong. 

@lalaineescobar6797: “Sa reaksyon pa lang ni Kidlat, kitang kita kung gaano nya ka-love yung mga angels nila.”

@reformaxtv8495: “Ganda ng vlog na to. Pinakita dito ung importance ng mga kasambahay. Kaya tayong mga wala namang katulong pero may mga kapamilyang katulong nating mag alaga sa mga bata, bigyan niyo ng appreciation. Kahit hindi materyal, maparamdam niyo lang na THEY ARE IMPORTANT sa buhay niyong mag asawa.”

@harlemjomskii: “Kidlat’s manners! Yan ang alagang Cong, Viy, and the angels!”

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
29
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *