Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, para sa kanyang mga anak na sina Kidlat at Tokyo.

Alamin ang kwento sa likod ng kanyang ‘MEMORYA’ vlog at kung ano ang reaksyon ng mga manonood dito.

MEMORYA

Sa kanyang bagong vlog, aakalain na isang normal Christmas vlog lang ang handog ni Cong TV para sa kanyang mga manonood.

Kwento ni Cong, isa sa kanyang mga pangarap ay mapanood ang sarili noong siya ay bata pa upang mabalikan ang kanyang mga masasayang alaala kasama ang pamilya.

“Gustong gusto kong magkaroon ng video noong bata ako para makita ko sana kung anong klaseng bata ako eh,” aniya.

Pangako ni Cong sa sarili, sisiguraduhin niya na kanyang idodokumento ang mga sandali na lumalaki ang kanyang mga anak.

Kaya naman, kanyang ipinasiliip ang mga tagpo bago ipagdiwang ng pamilya Cortez-Velasquez ang kapaskuhan kasama ang mga magulang at kapatid ng asawa niyang si Viy Cortez-Velasquez.

Isa sa mga highlights ng nasabing vlog ay ang father-and-son bonding nina Daddy Cong at Kuya Kidlat.

“Kidlat, anong gift mo kay Daddy ngayong Christmas?” tanong ni Daddy Cong.

Laking gulat niya nang lumapit ang kanyang panganay at hinalikan siya sa pisngi—bagay na ikinatuwa ni Daddy Cong.

“Wow, thank you! That’s the best gift ever! Grabe ‘yun ah, talagang love na love mo ang daddy mo!” reaksyon niya.

Matapos ang kanilang kulitan, sinalubong na nina Mommy Viy, Daddy Cong, Kidlat at Tokyo ang kanilang lolo’t lola.

Abot tenga ang ngiti ni Kidlat nang matanggap ang mga regalong laruan mula sa kanyang mga kaanak.

“Paldo!” biro ng kanyang Daddy Cong.

Sa huli, isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Daddy Cong para sa kanyang panganay na si Kidlat.

“Siguro, kung hindi ito [memories] ‘yung regalo na gusto mo ngayong pasko, sure ako ito ‘yung regalo na balang araw hahanapin mo. Kasi ‘yung sa akin, nakuha ko na” aniya.

Touching Reactions

Matapos mapanood ang short-but-sweet vlog content ni Daddy Cong, marami sa mga manonood ang nag-iwan ng kanilang reaksyon.

@I_Just_Love_Frank_Ocean: “This is so genuine, the fact na si Cong din yung nag edit adds more emotional depth, i miss my dad, merry christmas po!”

@ViyCortez: “Mahusay ka talaga sa lahat ng bagay!”

@Celestine.Arsenal: “His smile after receiving gifts is really screaming paldoooooo. kuya kidlat is such a genuine, funny, and sweet kid. we love you kuya kidlat!”

@MayorTV: “Sobrang naappreciate ko yung “Shot and Edited by Papa Cocon”. Parang feeling ko, pinakain mo kaming lahat na ikaw ang nagluto. Alam ko naman para sa mga anak mo talaga tong video na to, pero salamat dahil shinare mo sa ming lahat ang inihanda mong special treat ngayong holiday season. Maraming salamat bossing! Happy new year! Labyu! Mishu!”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
17
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *