Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.

Tunghayan ang mga nakakatuwa, nakakangamba, at nakakakilig na mga tagpo sa kanilang husband-and-wife bonding bago matapos ang taon.

LASTKALAS

Madaling araw palang, agad nang ginising ni Viviys ang mister na si Cong TV upang simulan ang kanilang adventure.

Isang container van ang sumalubong sa mag-asawa hatid ng Atoy Custom paglabas ng kanilang tahanan.

“Ano to?” tanong ni Cong sa asawa.

Walang kaalam-alam si Cong kung saan patungo ang kanilang sasakyan kaya minabuti ng dalawa na matulog muna sa gitna ng byahe.

Ilang oras matapos ang kanilang paglalakbay, laking gulat ni Cong nang masilayan ang magandang tanawin.

Nanatili ang Team Viviys sa Las Calas Resort sa Pangasinan upang magpahinga at mag-enjoy.

Ilan sa mga aktibidad na sinubukan ng TP power couple ay ang pagsakay sa ATV, pagbibilyar, paglangoy sa dagat, at pagje-jetski.

Laking tuwa ng dalawa, pati na rin ng Team Viviys, sa kakaibang adventure na kanilang nasubukan.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang hindi napigilang kiligin sa mag-asawang Cong at Viy. 

@alinsootirvy: “May this kind of relationship find me.”

@karlnabg: “Sa totoo lang, sobrang ikli ng 30 minutes pag ganitong klaseng video ang panonoorin mo.”

@kaye.003: “Another vlog of them to make us remember not to settle for less.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
19
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *