Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy Achino, na kilala bilang impersonator ng TV host at actress na si Kris Aquino.

Naghatid ang episode ng masinsinang kwentuhan tungkol sa kanyang personal na buhay at karanasan sa industriya, pati na rin ang relasyon niya sa mga kasamahan sa Team Payaman.

Impersonation Journey

Sa ika-anim na episode ng kanyang podcast, ipinakilala ng content creator na si Toni Fowler, a.k.a. Mommy Oni, ang espesyal na panauhin na si Tita Krissy Achino, kung saan inilahad niya ang totoong pangalan niya na ‘Seth Simon’ at ang screen name nitong Chino Liu. 

Nang tanungin ni Toni tungkol sa kanyang pronouns, ipinaliwanag ni Chino na komportable siya sa anumang pagtawag sa kanya, na nagpapakita ng bukas niyang pananaw sa mga isyu ng LGBT community.

Bilang impersonator ni Kris Aquino simula pa noong 2017, ibinahagi ni Chino na ang karakter na ‘Tita Krissy Achino’ ay bahagi lamang ng kanyang stage persona. Ayon sa kanya, dumaan siya sa isang yugto kung saan mas kilala siya bilang ‘Tita Krissy Achino’ kaysa bilang Chino, at bihirang makilala sa publiko kapag wala sa karakter.

Kasunod nito, ibinahagi rin ni Chino ang kanyang karanasan sa mga vlogs ng content creator group na Team Payaman. Dito, mas nakilala ang kanyang tunay na sarili bilang ‘Chino’ at hindi lamang bilang karakter ni Kris Aquino. Aniya, malaking tulong ang mga vlogs upang maipakita ang kanyang personalidad nang hindi naka-depende sa nasabing karakter.

“Ang style kasi sa Team Payaman, ano sila, talagang hindi scripted, diba? They don’t like kasi ‘yung scripted content. So, doon ko na experience ‘yung kakagising mo lang, may muta-muta ka pa… tinutukan ka na ng camera. So, parang inevitable na siya. Parang hindi ko siya mapipigilan na tapatan ako ng camera, na makita ‘yung itsura ko,” ani Chino sa vlog.

Bukod dito, nagbalik-tanaw sina Toni at Chino sa kanilang unang pagkikita sa Team Payaman Fair noong 2022, kung saan talagang hindi nila malilimutan ang kanilang kwentuhan sa backstage. Ayon kay Toni, nakilala niya si Chino bilang maayos kausap at may mataas na pasensya kahit sa dami ng nakakasalamuha nitong influencers.

Behind the Persona

Sa usapan tungkol sa kanyang totoong pagkatao, ipinaliwanag ni Chino na si ‘Chino Liu’ ay bisexual, at komportable sa pagsusuot ng parehong panglalaki at pambabaeng damit, depende sa sitwasyon at sa kanyang karakter.

“For my character. Simula bata hanggang after college, hindi ako nagdadamit babae. For Krissy, parang ang pangit naman na kamukha ko… parang may pagka-Darren Espanto ako dati, tapos nagki-Krissy. Sinali ko lang ‘yung looks para total package siya. Nandun yung… alam niya kung ano ‘yung mga sinasabi ni Kris, alam niya ‘yung boses ni Kris, alam niya ‘yung mannerisms. So, at least nakadamit pang babae pa rin,” kwento ni Chino.

Dagdag pa niya, ang ‘Tita Krissy Achino’ ay bahagi lamang ng kanyang trabaho bilang entertainer, at hindi siya ang kanyang karakter sa pang-araw-araw. 

Sa kabila nito, may mga pagkakataon na nararamdaman niya ang pagkakaiba ng treatment bilang Tita Krissy Achino kumpara sa pagiging Chino, tulad ng sa mga events at social gatherings, na nagpapakita ng epekto ng kanyang iconic na karakter sa pananaw ng publiko.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
13
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *