
Good vibes at cuteness overload ang hatid ng magkapatid na Tokyo Athena at Kidlat sa kanilang Moana-inspired photoshoot.
Tunghayan ang mga nakakatuwang reaksyon mula sa mga online titos and titas ng mga little ones nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV.
Little Moana & Pua
Sa kanyang recent social media post, binati ng proud mom-of-two na si Viy ang anak na si Tokyo Athena bilang selebrasyon ng kanyang ika-walong buwan.
Kalakip ng nasabing post ay ilang mga larawan hindi lamang ni Tokyo, kung hindi pati na rin ng kanyang Kuya Kidlat suot ang Moana-inspired costumes na sina Moana at Pua.
“Happy 8th month my baby girl! Moana & Pua” aniya sa kanyang post.

Gaya ng mga naunang milestone shoot, kasama ng Team Cortez-Velasquez ang The Baby Village Studio upang maisagawa ang iba’t-ibang mga tema sa kanilang monthly milestone shoot.
Mula naman sa Posh and Pearls ang cute at dreamy orange dress ni Tokyo, na s’yang ikinatuwa ng netizens.
Para naman sa Moana-inspired cake ni Tokyo, Doughable naman ang kaagapay ni Mommy Viy sa pagtupad ng dream cake ng kanyang unica hija.

Netizens’ Reactions
Samantala, marami sa mga online titos and titas ang nagpahatid ng kanilang pagbati para kina Kidlat at Tokyo.
Joana Marie de Rueda: “Super cute po ng magkapatid, little Cong and little Viviys!”
Bheng S. Pendon: “So cute Tokyo and Kidlat!”
Pluma Obre Pearl: “Ang galing! Si baby boy kamukha ng ama, si baby girl ka look-a-like din ng ina. Cute happy fam.”





