Viy Cortez-Velasquez and Kidlat Take Part in Bonakid’s Viral “Laban Move” Challenge

Sa isa na namang nakakatuwang content na hatid ng Team Payaman mom-and-son duo na sina  Viy Cortez-Velasquez at Kidlat, muling pinasaya ng dalawa ang mga netizens matapos nilang kumasa sa viral “Laban Move” TikTok challenge ng Bonakid Preschool 3+. 

Dance Challenge 

Sa simula ay ipinasilip ni Viviys ang trending dance video kung saan ang mga bata ay taas noong nakiisa sa Bonakid Laban Move campaign.

“Ang cute! Sobrang cute ng mga bagets! Parang gusto ko ipagawa ‘to kay Kidlat,” aniya. 

Bago pa man sumabak si Kidlat sa “Laban Move,” ready na agad si Mommy Viy para sa #LabanReady moment. 

Hindi mawawala ang kanyang tested mom routine—ang paghahanda ng Bonakid Preschool 3+. Ibinahagi niya kung paano nakakatulong ang gatas na ito sa wastong timbang at tangkad ng mga batang 3 pataas, lalo na sa mga aktibong chikiting gaya ni Kidlat.

Kidlat: A #LabanReady Kid

Habang umiinom si Kidlat, ipinahatid n’ya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mommy Viy na ikinatuwa ng kanilang mga fans. 

Ipinakita rin ni Viy na ang Bonakid Preschool 3+ ay may growth nutrients tulad ng calcium at lysine, na tumutulong upang maging mas handa ang mga bata sa iba’t ibang activities at challenges habang lumalaki.

Sa pinakahuling parte ng video, si Kidlat na mismo ang bumida sa “Laban Move” challenge ng Bonakid.

With full energy at cuteness overload, ipinakita niya kung paano maging isang batang may laban. Perfect na ending sa isang wholesome mommy-and-son moment na muling nagpasaya sa mga netizens. 

Likes:
0 0
Views:
15
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *