
Muling ipinamalas ng ilang Team Payaman members ang kanilang galing sa paglalaro ng Pickleball nang dumayo sila sa probinsya ng Quezon upang makipaglaban.
Silipin ang mga masasayang tagpo sa likod ng kauna-unahang inter-province pickleball experience na hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.
Dayo Serye
Sa kanyang bagong vlog, hatid ni Pat Velasquez-Gaspar ang mga pasilip nang bumyahe pa-Lucban, Quezon sina Boss Keng, Junnie Boy, Vien Iligan-Velasquez, Clouie Dims, Dudut Lang, Chino Liu, at ilan pa sa kanilang mga malalapit na kaibigan.
Bago sumalang sa paglalaro, hindi pinalampas ng Team Payaman na masubukan ang ilan sa mga ipinagmamalaking putahe ng mga taga-Quezon.
“Nako, maraming kainan. Talagang binubusog kami para hindi kami makapalo!” biro ni Pat.

Matapos kumain, naglibot ang Team Payaman sa ilang mga kilalang pook sa Quezon gaya ng simbahan. Maya maya pa’y sumalang na sila sa open play.
Nirerepresenta ng grupo nina Pat ang Playhouse Pickle —pickleball court business na itinayo ng Team Payaman. Nakilaro ang grupo nina Pat sa mga Pickleball players mula sa Lucban Pickleball Club.

The Tournament
Kinabukasan, sumalang ang Playhouse Pickle team sa tournament kung saan muli nilang nakalaban ang mga manlalaro mula sa nasabing probinsya.
Todo cheer sina Pat sa kanilang mga kakampi habang sila ay nag-iintay ng kanilang sariling laro.
Matapos ang ilang oras na pakikipaglaro, nag-uwi ng ilang mga awards ang Team Payaman dahil sa husay na taglay nila sa pagpalo.
- Vien: Best in Backhand
- Boss Keng at Junnie: Best Dinker
- Dudut Lang: Sportsmanship Award
- Chino Liu: MVP from Playhouse Pickle

Watch the full vlog below:





