Tsuper Dad Episode 2: Junnie Boy Shares His Heartfelt Bond with Kids

Matapos ang kanyang trip sa Japan, masayang sinalubong nina Mavi at Viela ang kanilang tatay na si Junnie Boy.

Sa Episode 2 ng ‘Tsuper Dad’ serye ng naturang Team Payaman vlogger, tampok ang kulitan ng mag-a-ama.

Unmatched Bonding

Sa kanyang vlog, masayang ibinahagi ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, ang mga tagpo sa kanyang buhay bilang isang ama.

Una na n’yang iniabot sa kanyang bunso na si Alona Viela ang kanyang pasalubong na kitchen set matapos ang kanyang quick trip sa Japan.

Habang nagsisimula silang buuin ang kitchen set, umusbong ang natural na kulit at pagiging malapit ng mag-ama. 

Minsan ay may inis si Viela, gaya nang masira ang sticker na dapat idikit sa laruan. “Wala na, Daddy, sira na…” emosyonal na sambit ni Viela.

“Bilang tatay, kailangan kong ipaintindi sa kanya kung ano yung mga emosyon niya… baka maging problema niya [ito] paglaki,” paliwanag ni Daddy Junnie.

Dad Reflections 

Sa gitna ng simpleng kulitan at paglalaro, hindi naiwasang maging emosyonal ni Junnie habang pinagmamasdan ang kanyang mga anak. 

Habang nagkukwento, inamin niya na minsan ay hindi niya agad namamalayan kung gaano na kalaki ang bunso nilang si Viela.

“Habang lumalaki si Viela, hindi ko agad napapansin… big girl na pala siya,” pag-amin ni Junnie. 

Kasabay nito ang kanyang dasal na sana’y bumagal ang panahon, dahil darating ang araw na baka hindi na siya hahabulin ng anak upang maglaro o hindi naman kaya’y yayain s’ya sa mga simpleng roleplay bonding.

Isa rin sa mga guilt moment ni Junnie ang hindi niya pagkakadalo sa swimming tournament ni Mavi. Nakita lang niya ang updates sa video, at inamin na kung maaari lang siyang mag-teleport ay gagawin niya.

Ngunit malaking ginhawa para sa kanya na naiintindihan ng kanyang anak ang sitwasyon. “Buti na lang, alam nila na nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Naiintindihan nila. Pero bilang tatay, masakit pa rin na hindi ako nandoon” 

Sa pagpapatuloy ng kanilang “lutu-lutuan” bonding, isang espesyal na sandali ang ibinahagi ni Junnie Boy kasama ang anak na si Viela. Sa murang edad, nakitaan na agad ng pagkukusa ang bata.

Sa puntong ito, napaisip si Junnie tungkol sa responsibilidad niya bilang magulang. Aniya, “Naging lesson din siya para sa akin…  I have to pull my self up and act accordingly, lalong lalo na sa harap ng anak ko” 

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naantig at muling natuwa sa tipo ng content na inilabas ni Junnie Boy sa kanyang YouTube channel.

@desstapales9889: “Sobrang swerte ni Viela kay Junnie. Bihira na sa lalaki yung sobrang expressive at vocal sa nararamdaman niya.”

@altheamorales4: “Grabe. I was smiling the whole time because of Viela’s cuteness & teary-eyed na din kasi ang laki na din ni Mavi huhu. Been an online ninang since 2020!!! Hindi ako naspoil ng parents ko sa mga materyal na bagay, which taught me to be contented until now, pero sobrang healing ng video na ’to sa inner child ko, seeing kids spoiled by their parents. More content like this, Junnie!”

@NiNicole05: “Bilang anak na naghahanap ng pagmamahal ng isang ama, naiyak ako dito kasi nae-experience ni Viela at Mavi yung mga ganito. Napakaswerte ng mga bata ngayon. More episodes pa please!”

@chamyyy_xx: “Why am I crying in this vlog? Grabe, ang sarap sa puso at nakaka-heal ng childhood. Here’s to more, Junnie!”

@ma.angelicamartir5804:  “The ok dad, I love you dad” ni Viela—alam mong hindi talaga spoiled ang bata kasi naiintindihan niya na kapag sinabi na wag munang galawin ang isang bagay, hindi niya talaga gagalawin. Awww, Viela.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
15
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *