
Sa nagdaang pagdiriwang ng Mother’s Day, isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez habang buhat-buhat niya si Baby Ulap.
Tunghayan ang mga nakakaantig na mensaheng natanggap ni Mommy Vien mula sa mga netizens.
Hopeful Mother’s Day Message
Agad na umantig sa puso ng maraming tagahanga ang TikTok post ni Mommy Vien habang buhat ang pamangkin na si Baby Ulap, anak nina Mommy Pat Velasquez-Gaspar at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng.
Sa kanyang post ay isinulat niya: “Trusting that the right time will come to welcome new life. Happy Mother’s Day”
Marami ang nagpaabot ng kanilang mga mensahe ng suporta at pag-asa, at ilan ay umaasa na siya na ang susunod na mabiyayaan ng isa pang anak—ang kanyang pangatlo.
Hindi naman nag-atubiling tumugon si Vien sa mga komento. “Sana. Sana sa susunod okay na siya, hindi na siya bawiin sa amin,” emosyonal n’yang sagot.
Touching Comments
Matapos ang emosyonal na pahayag ni Mommy Vien, agad na umapaw ang suporta mula sa mga netizens. Marami ang nagbahagi ng kanilang pakikiramay, panalangin, at pag-asa para kay Vien. Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe:
Ghesryyy.ü: “Omg, so sorry for your loss, Vien. Babalik siya.”
Jellibee: “Sending baby dust! Sa mga mommy na humihiling na magka-baby.”
Ash: “Warm hug Madam Vien, your angel baby will come back.”
Kenn Cabb: “Kaya guys, please—maging mabuti tayo sa kapwa natin sa lahat ng pagkakataon. Hindi natin alam ang pinagdadaanan ng ibang tao. Yung iba, nakangiti lang, pero may mabibigat na dalahin na sila lang ang may alam. Sending virtual hugs!”
Mica Liza: “Keep the faith, Mommy Vien! Your strength inspires us all. God bless your family.”
Yana Labs: “Napakalakas mo, Madam Vien. ”
Watch the full video below:
