Aki Angulo-Macacua Shares Journey to Achieving Stunning Wedding Dress

Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at Aki Angulo.

Isa sa mga kapana-panabik na parte ng kanilang kasal ay ang head-turning wedding gown nang ngayon ay proud Mrs. Macacua. 

#AARONmanticdaywithAKI

December 8, 2024 nang ibigay nina Aaron Macacua, a.k.a Burong, at Aki Angulo-Macacua ang kanilang matatamis na “Oo” sa isa’t-isa.

Isang garden wedding ang ginanap sa Joselito’s Resort and Event’s Place na s’ya ring dinaluhan ng kanilang mga pamilya, kaibigan, at kapwa Team Payaman members.

Wedding Gown Journey

Bukod sa kanilang napaka gandang wedding set-up, isa rin ang wedding gown ni Aki sa mga naging highlights ng nasabing kasalan.

Sa kanyang TikTok video, ibinahagi ni Aki ang naging proseso ng paghahanap ng kanyang dream wedding gown.

Mayo palang ngayong taon ay personal na na pinuntahan ni Aki ang Bindondo Branch ng Mark Brides Manila upang ipagawa ang kanyang wedding gown.

Unang sinukat ni Aki ang minimalist gown with side slit, ngunit hindi ito ang kanyang napili dahil nais ng kanyang groom na maging alinsunod ito sa tema ng kanilang kasal.

Upang maging madali ang pagpapalit ng outfits para sa mismong seremonya, reception, at after party, interchangeable gowns ang naisip ni Aki na ipadisenyo sa Mark Brides.

“So I came up with an idea for an interchangeable gown, from traditional to something, which is my personality talaga,” kwento ni Aki.

Para sa kanyang ceremony gown, isang A-lined dress with Swarovski crystal embellishments ang napiling disenyo ni Aki.

Naisipan din nitong hindi na magsuot ng hard peticoat dahil mas gusto nitong bagsak ang dating ng kanyang gown.

Ang disenyo naman ng reception gown ni Aki ay inspired sa kanyang iniidolong singer na si Taylor Swift na hango sa kanyang concert tour outfit.

Sinamahan ito ni Aki ng white lace boots bilang kanyang footwear, na kanyang ikinatuwa ang final look. 

Laking pasasalamat naman ni Aki sa kanyang bridal gown designer na tumulong pagtupad sa paggawa ng kanyang dream wedding gown.

“Ms. Mark has been very hands-on and been with me through everything! Mag-isa lang ako throughout the fittings since I wanted to surprise the girls when the dream gown came to life” aniya.

Watch the full video below:

@akiangulo

Huuuoy mga sister kooo, first time ko mag voice over!! 😆 Halatang may sipon pa yung boses but I couldn’t wait any longer. I wanted to share it with you naaaaa. Yung bridal boots ko sa orange app yun nabili. Thank you, @marksbridemanila for making my dream gown come true. #aaronmanticdaywithaki #fyp #bridaltiktok #bridalera #weddingtiktok

♬ original sound – Love-Aki – Love-Aki

Likes:
0 0
Views:
10
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *