Mission 1MPossible: Cong TV Executes Matchmaking Game With Epic Twist

Matapos maibigay ang closure ng other half ng BoKhaKha love team na si Kha Villes, nagkaisa ang Team Payaman boys sa paghahanap ng “The One” ni Bok.

Sino kaya ang maswerteng mapipili ni Bok bilang kanyang bagong partner?

BoKhaKha No More

Sa kanyang bagong vlog, isang kakaibang content ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV para sa kanyang mga manonood.

Noon pa man ay kinakikiligan na ng madla ang on-screen Team Payaman love team na sina Karen Villes, a.k.a Kha Kha at Carlos Magnata, a.k.a Bok.

Ngunit ikinalungkot ng solid BoKhaKha supporters ang pagkawatak ng nasabing tandem kung kaya gumawa ng paraan si Cong para makahanap si Bok ng bagong makakatambal.

Sa tulong ng kanyang kapwa Team Payaman members, nagsagawa ng casting call si Cong TV upang gumawa ng isang matchmaking game para kay Bok.

Finding Juana

Labing-isang naggagandahang mga dilag ang taas-noong sumabak sa paghahanap ng “The One” ni Bok.

Bukod sa kanilang ganda, nasubok ang kanilang galing sa pagpapakilig, at naipamalas din ang kanilang mga talento.

Isa-isa nitong sinubukang hanapin ang kiliti ni Bok sa pamamagitan ng Vibe Check o pagbitaw ng mga pick-up lines para sa nasabing Team Payaman member. 

May ilang kababaihan ang nahuli ang kilig ni Bok, dahilan upang mahirapan itong itago ang kanyang nararamdaman.

Matapos ang pagkilala sa kanyang mga “Juana,” isa-isang kinasa ng Team Payaman boys ang kanilang bias o pambato mula sa labing-isang dilag.

Sa likod ng kani-kanilang mga bias, may pitong kababaihang naging matimbang kay Bok, na s’yang natira sa kanyang mga pagpipilian para sa next round. 

Para sa ikatlong round, isa-isang sinubok ni Bok ang chemistry ng mga kalahok, kung saan isa-isa itong binigyan ng senaryong kanilang kailangang gawin.

Ipinamalas ng mga dilag ang kanilang galing sa pag-arte, dahilan upang mas mahirapan si Bok sa pagpili ng mga magpapatuloy sa laban.

Sunod na sumalang ang mga kalahok sa one-on-one interview kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga ito na ibigay ang kanilang opinyon sa mga importanteng paksa sa relasyon.

Usapang lovelife, buhay mag-asawa, at pag-iipon, ang ilan sa mga napag-usapan nina Bok at ng mga naggagandahang mga kalahok.

Where’s The Real Juana?

Samantala, muling ginulat ni Cong TV ang kanyang mga manonood sa nakatagong twist ng kanyang bagong vlog.

Nang makapili na si Bok ng kanyang “The One,” may anunsyo si Cong na s’yang gumulat sa lahat.

Naging misteryo ang sinapit ni Bok matapos itong umarteng namatay sa nasabing vlog, dahilan upang humingi ng tulong si Cong na malaman ang salarin sa naturang insidente.

Isang pagsubok ang handog ni Cong sa mga manonood na kung saan inaanyayahan n’ya ang mga ito na balikan ang kanyang mga nakaraang mga YouTube livestream upang mahanap ang sampung boss questions.

Matapos masagot ang mga tanong ay maaaring mahanap ng mga manonood ang isa sa sampung mga ebidensya.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Cong TV ang mga mechanic sa kanyang online murder mystery game. 

Tumataginting na isang milyong piso ang naghihintay sa unang taong makakapagbigay ng ebidensya sa misteryong sinapit ni Bok.

Magsisimula ang patimpalak mula Oktubre 23, 2024 hanggang Nobyembre 23, 2024.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
40
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *