Riva Quenery Surprises Father to a Spontaneous Ramen Hunting in Osaka, Japan 

Isa na namang father-and-daughter moment ang ikinatuwa ng mga netizens nang ibahagi ng aktres at vlogger na si Riva Quenery ang surpresa nito para sa kanyang ama. 

Tunghayan ang pagsurpresa ni Riva sa kanyang ama matapos ang mabilisang pagbisita nila sa Osaka, Japan.

Birthday Surprise

Sa pinakabagong vlog ng aktres, dancer, at content creator na si Riva Quenery, ipinasilip nito ang kanyang naging paghahanda para sa nilulutong surpresa para sa kanyang ama na si retired Chief Superintendent Robert Quenery.

Dahil nalalapit na ang kaarawan ng kanyang ama, plano ni Riva na pakainin ito ng “ramen,” dahil isa aniya ito sa kanyang mga hinihiling.

Imbes na dalhin ang kanyang ama sa Japanese restaurant, naisipan ni Riva na dalhin na lang si Daddy Robert sa Japan upang muli itong makatikim ng authentic ramen.

Una na nitong siniguro na walang anumang lakad ang kanyang ama sa kanyang napiling araw para sa kanilang spontaneous Japan trip.

Naging kakaiba ang surpresang handog ni Riva dahil plano nitong bumalik rin sa Pilipinas sa nasabing araw pagkatapos nilang kumain ng ramen.

“6AM flight, ang dating [ay] 11:55 AM. Ang uwi, 10:30 PM. Okay na ‘yun,” aniya.

Nabanggit ng 26-anyos na vlogger na hindi nito napigilang makaramdam ng kaba lalo pa’t hirap ito sa paghahanap ng passport ng ama.

Laking tuwa nito nang mahanap ang mga dokumentong kakailanganin para sa kanilang paglipad sa Japan.

Sa tulong ng kanyang asawa na si Vern, matagumpay na nadala ni Riva ang kanyang ama sa airport sa kabila ng kanyang pagdududa sa binabalak ng anak.

“Sabi ko na airport eh! Susuntukin kita Riva!” biro ng kanyang Daddy.

Quick Ramen Date

Nang makalapag na sa Japan, una nilang binisita ang sikat na Dotonbori na matatagpuan sa Osaka, Japan.

Matapos ang paglilibot, hindi na ito nagdalawang isip na simulan ang kanilang father-and-daughter bonding sa pamamagitan ng pagfu-food trip.

Bukod sa pagkain, hindi rin nila pinalagpas ang pagbisita sa sikat na Japanese goodies store na Don Quijote upang mamili ng mga pasalubong.

At syempre, hindi nawala sa listahan ng mag-ama ang pagkain sa Ichiran Ramen na kilala sa kanilang masarap at authentic Japanese ramen.

“Welcome to Ichiran! The one and only [and] the best ramen” ani General Quenery.

Matapos kumain, dumeretso na ang mag-ama sa tren patungong airport upang muling bumalik sa Maynila. 

Laking pasasalamat ni General Quenery kay Riva sa kakaiba ngunit masayang surpresang handog nito sa kanyang ama.

“Happy birthday, Daddy!” pagbati ni Riva.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
215
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *