Naging instant source of good vibes at katatawanan online ang bonding ng magkakaibigang Zeinab Harake-Parks, Ivana Alawi, at Viy Cortez-Velasquez matapos nilang pumunta sa isang public resort sa Cavite.
Kahit patapos na ang taon, tila hindi pa rin natatapos ang summer season dahil sa kanilang public outing experience para sa bagong vlog ni Zeinab.
Nagsimula ang vlog ni Zeinab sa kanilang byahe patungo sa resort sakay ng nirentahang jeepney habang binabalikan ang mga ala-ala sa public outing mula pagkabata kasama ang kani-kanilang mga pamilya.
Hindi rin nila pinalampas ang pagbida sa mga very relatable baon na pagkain na kanilang pagsasaluhan para sa buong araw.
Pagkarating sa resort ay agad naman bumirit ang tatlo sa karaoke at tinira ang dala nilang alak.
Mas naging memorable at katawa-tawa ang kanilang public outing experience dahil sa pakikisalamuha sa mga kapwa guests kung saan hindi nila pinalampas ang pagkakataong batiin at pasayahin ang ilan sa mga nagdiriwang ng kanilang kaarawan o importanteng life milestones.
Hindi lamang simpleng outing ang naganap dahil sinulit ng tatlo ang kanilang pamamasyal, kung saan ito ay mas naging espesyal pa sa pamamagitan ng pagbisita sa iba pang cottage at pamimigay ng iba’t ibang regalo o mga pagkain sa mga taong naroon.
Matapos ang pag-iikot ay bumalik na sa paghahanda ng mga pagkain at pag-iihaw ang tatlo na siya namang lalong pinasaya ng kanilang kwentuhan habang umeepekto na rin ang iniinom na alak.
Noong oras na para subukan ang swimming pool sa resort, all-out pa rin ang tatlo sa pagpapasaya ng mga taong nakapaligid sa kanila.
Laughtrip ang hatid sa mga saksi nang takot na takot subukan ni Viviys ang pool slide kahit pa siya ay hindi maalam lumangoy lalo’t sa malalim.
Matapos ang masayang swimming bonding ay bumalik na ang tatlo sa cottage upang maglaro naman ng ‘Who Knows Me Better’ challenge’ ni Zeinab, kung saan kada maling sagot ay isang shot ng alak ang kapalit.
Natapos ang gabi sa huling round ng inuman, kantahan, at sayawan, kaya talaga namang hindi malilimutan ang kanilang naging Cavite public outing adventure.
Para naman sa karamihan ng mga manonood, nakakaaliw makita ang tatlong iba’t ibang sikat na personalidad sa internet na nag-eenjoy sa isang simpleng karanasan habang nagbibigay saya sa ibang tao.
Watch the full vlog below:
The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…
Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
This website uses cookies.