Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang routine sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at paglalaan ng oras para sa kanyang mga anak na sina Isla at Ulap.

“A DAY IN MA LAYP”

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si  Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, ang pagsisimula niya ng bagong fitness routine.

Ayon kay Boss Keng, nais niyang baguhin ang nakasanayan niyang pang-araw-araw na gawain. Umaasa siyang magiging bahagi na ng kanyang regular na routine ang pag-eehersisyo at hindi lamang ito pang-isang araw.

Bukod sa pagnanais na magkaroon ng mas aktibong lifestyle, sinabi ni Boss Keng na gusto niyang palakasin ang kanyang katawan habang lumalaki ang kanyang mga anak. 

Kaya naman, nagtungo siya sa RA Fitness para sa kanyang unang workout session kasama ang personal coach. Sa kanilang session, sumailalim siya sa warm-up at iba’t ibang exercise na nakatuon sa pagpapalakas at pagpapahusay ng kanyang mobility.

Inamin ni Boss Keng na nahihirapan pa siyang gawin ang mga tamang form dahil unang beses pa lamang niyang subukan ang mga exercise. Gayunpaman, umaasa siyang makatutulong ang regular na pag-eehersisyo upang mapabuti ang kanyang lakas, bilis, at liksi sa paglalaro ng pickleball.

Bonding With Kids

Pagkauwi, naglaan naman si Boss Keng ng oras para makasama ang kanyang mga anak na sina Isla at Ulap.

Inaya niya ang mga bata na maligo sa labas ng kanilang bahay gamit ang water hose, na sinundan ng pagbibisikleta sa labas. Sa kanilang bike ride, hinikayat ni Boss Keng sina Isla at Ulap na magkarera habang binabantayan ang kanilang paggalaw. 

Sa huli, nagtungo rin sila sa playground, kung saan naglaro ang magkapatid sa mga slide at sumakay si Ulap sa isang maliit na kotse. Nakisali rin si Boss Keng sa kanilang mga aktibidad bilang bahagi ng bonding nilang mag-aama.

Netizens’ Comments

Samantala, kinagiliwan naman ng netizens ang pagkakahawig nina Isla at Ulap sa kani-kanilang magulang at nagpahayag ng suporta sa pamilya.

@samanthadejesus6632: “Tig-isa talaga sila ng kamukha ni Mama Pat. Ang ku-cute ng mga mini me.”

@123Eeesmayl: “More of this please.”

@bretheartgregorio1886: “Power sa inyo, Team PatEng.”

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
18
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *