Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang simbolo ng Team Payaman ang logo na ginawa ni Awi Columna noong 2018.

Kamakailan, ibinahagi ng COLN vocalist at Team Payaman member ang kwento sa likod ng logo matapos niya itong makitang tampok sa vlog na “Team Payaman Race to the Fair,” kung saan makikita rin ang logo na naka-display sa iconic giant globe monument ng SM Mall of Asia bilang bahagi ng promotion para sa Team Payaman Fair 2026.

Behind The TP Logo

Sa kanyang Facebook post, inalala ni Raven Willian Lark Columna, a.k.a. Awi, na ginawa niya ang logo noong 2018 para lamang sa isang T-shirt. Ayon sa kanya, wala itong malalim na kahulugan noon at nabuo lang ito mula sa mga ideyang pumapasok sa isip niya noong panahong nagsisimula pa lang siya sa graphic design.

Ibinahagi rin ni Awi na kumuha siya ng inspirasyon mula sa mga logo ng Pantera at Gnarly bago niya pinagsama ang iba’t ibang elemento upang mabuo ang disenyo na kalaunan ay naging isa sa mga kinikilalang simbolo ng Team Payaman.

Aminado rin si Awi na hindi niya inasahan na ang logo na ginawa niya noon nang walang gaanong plano ay makakarating sa puntong maipapakita ito sa iconic globe ng SM Mall of Asia bilang bahagi ng Team Payaman Fair 2026.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Awi sa mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez sa tiwalang ibinigay ng mga ito sa kanya. Binati rin niya ang Team Payaman sa mga tagumpay na kanilang narating at ipinahayag ang kanyang pagmamalaki sa patuloy na paglaki ng grupo.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng paghanga sa disenyo ni Awi at sa naging bahagi nito sa pagkakakilanlan ng Team Payaman sa mga nakalipas na taon.

Anderson Granja: “Solid ka talaga kuya Awi since komikpaa. Hahaha!”

Joey Stephen: “Siyempre Awi ‘yan, eh! Walang TP v1 shirt kung walang Awi pinakalas na designer lalo na sa jersey ni Waldo!”

Dela Cruz Derek: “Naging iconic na, Sir!”

Zhiljan Gusi Dela Cruz: “May shirt ako dati niyan mismo! Ikaw pala gumawa. Solid mo, Awi!”

Lawrence Escototo: “Solid mo talaga. Isa ako sa tagahanga mo, idol Awi!”

Likes:
0 0
Views:
17
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *