Dudut Lang Takes Viewers to a Chill Morning Cooking Vlog in Tanay, Rizal

Isang chill cooking vlog ang hatid ng Team Payaman cook na si Dudut Lang matapos ang kanilang camping session sa Tanay, Rizal.

Alamin ang mga camping-approved recipes na pwedeng lutuin sa inyong next camping trip.

Breakfast Recipes

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, ang kanyang paghahanda ng umagahan para sa mga kasama. Nagtungo ang kanilang grupo sa Tanay, Rizal upang masubukang magcamping.

Kasama niya ang kapwa Team Payaman members na sina Aki Angulo, Burong, at ang kaibigan na si Kristel Toledo.

Para sa kanilang agahan, naisipang ni Dudut na gawin itong ‘buffet style’ upang mas ma-enjoy ito ng kanyang mga kasama.

Nagluto siya ng classic Filipino breakfast gaya ng talong, hotdog, tocino, hungarian sausage, itlog, at sinangag o fried rice.

Habang nagluluto si Dudut ay naghandog rin ng munting awitin sina Kristel at  Burong na siya ring ikinatuwa ng mga tagapakinig.

Hindi rin nawala ang kanilang heartfelt conversations tungkol sa buhay habang nakatanaw sa magandang view ng ilog sa nasabing probinsya.

Matapos kumain ay dumeretso na ang kanilang grupo sa ilog upang simulan na ang kanilang paglalangoy.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang naghatid ng kanilang pagbati matapos mapanood ang latest cooking vlog ni Dudut.

@besserspat8254: “Ang ganda ng style ng vlogging na ganito, Dut! Relaxing lang. Di kailangang laging may kwento at jokes. Real convos. Keep it up!”

@MonkeyD.Luffy1992: “Parang PBB vibes, more content like this!”

@NightAsta10: “Para na din akong nakapag unwind. Relaxing!”

@bretheartgregorio1886: “#DuTel ❤️ no background music just nature and beautiful conversation”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

20 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.