Ninong Ry Cooks Up a Chinese Feast for Comedy Legend Vic “Bossing” Sotto

Sa pinakabagong vlog ng food at content creator na si Ninong Ry ipinasilip niya ang isang kakaibang kolaborasyon kung saan pinaglutuan niya ang iconic comedian at TV host na si Vic “Bossing” Sotto. 

Sa gitna ng tawanan, kulitan, at lutuan sa studio sa Malabon, hindi lang busog na tiyan ang naiwan kundi pati na rin mga aral sa buhay, showbiz history, mula sa isang tunay na icon ng Philippine entertainment.

The Menu

Dahil nag-crave si Bossing ng mga pagkaing may Chinese twist, inihanda ni Ninong Ry ang tatlong espesyal na putahe. 

Unang inihain ang Fried Mantou Buns na ginawa mula sa scratch at ipinirito hanggang sa maging golden brown, na isinawsaw sa condensed milk—isang pagkaing paborito ni Bossing mula pa noong mga panahon na madalas pa siya sa Binondo. 

Sinundan ito ng Chinese-Style Steamed Fish na niluto gamit ang luya, leeks, at mga simpleng pampalasa para lumabas ang natural na lasa ng isda. 

Ang highlight ng kainan ay ang Apple-Braised Dongpo Pork, isang modernong bersyon ng classic dish kung saan pinalambot nang mabilis ang malalaking hiwa ng liempo gamit ang pressure cooker kasama ang freshly extracted apple juice, dark soy sauce, at Chinese cooking wine.

Showbiz Legacy

Matapos ang kainan, naging bukas si Bossing Vic sa pagbabahagi ng kaniyang kwento mula noong siya ay nagsisimula pa lamang sa industriya. 

Bago naging komedyante, pumasok muna si Vic bilang isang folk singer. Sa tulong ng kanyang kapatid na si Tito Sotto na nasa Vicor Music noon, na-expose sila sa mundo ng musika bago napasama sa gag show na Okay Lang. Dito nabuo ang tambalang Tito, Vic, at Joey (TVJ), na siyang nagbunga sa pagsimula ng Eat Bulaga! noong 1979. 

Inamin ni Bossing na hindi naging madali ang unang ilang taon ng palabas dahil sa matinding kompetisyon at kawalan ng advertisers, ngunit naitawid ito ng grupo hanggang sa umabot sa halos limang dekada.

Sa mas personal na bahagi ng panayam, naikuwento ni Bossing Vic kung paano siya nag-venture sa TV at movie production—tulad ng Okay Ka, Fairy Ko  at Enteng Kabisote dahil gusto niyang hawak niya ang direksyon ng kaniyang mga proyekto. 

Naging emosyonal din ang usapan nang tanungin siya tungkol sa kaniyang mga pinagsisisihan sa buhay; diretsahang sinagot ni Bossing na wala siyang anumang pinagsisisihan, mabuti man o masama, dahil ang mga magagandang karanasan ay ipinagpapatuloy samantalang ang mga pagkakamali naman ay nagsisilbing mahalagang aral.

Ibinahagi rin ni Bossing Vic ang kaniyang obserbasyon sa pagbabago ng komedya sa paglipas ng panahon. Para sa kaniya, mas mahirap magpatawa ngayon dahil sa social media at sa pagbabago ng pamantayan sa lipunan. Binigyang-diin niya na ang pinakamagandang komedya ay hindi ‘yung pinipilit ang sarili na magpatawa, kundi ‘yung sitwasyon mismo ang nakakatawa habang nagpapanatili ng respeto sa kapwa. 

Nang tanungin tungkol sa kaniyang pagreretiro, linaw ng veteran host na wala pa ito sa kaniyang isip habang patuloy siyang nag-e-enjoy at nakakapagpapasaya ng tao. 

Bago matapos ang pagkikita, niregaluhan pa ni Ninong Ry si Bossing ng isang inscribed chef’s knife, na pormal na “binili” ni Bossing sa halagang isang piso upang masunod ang lumang pamahiin laban sa malas.

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

1 day ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.