Masayang pagdiriwang ang ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos para sa ika-8 na kaarawan ng kanyang anak na si Samantha Ragos, a.k.a “Samsam.”
Tunghayan ang ilan sa mga tagpo mula sa espesyal na araw ni Samsam kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa isang Facebook post, nagpaabot si Mommy Ivy ng birthday message para sa bunsong anak na si Samantha, kalakip ang mga larawan mula sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Makikita sa mga kuha ang pagsasama-sama ng kanilang mga kamag-anak at malalapit na kaibigan sa selebrasyong ginanap noong August 19, 2026, sa Rosario Event Center sa Laguna.
“Happy birthday, Samsam ko! I love you, anak,” ani Mommy Ivy sa kanyang post.
Bukod sa mga larawang ibinahagi ng kanyang Mommy Ivy, nagbigay rin ng sulyap ang bunso nitong kapatid na si Yiv Cortez sa naging pagdiriwang sa pamamagitan ng kanyang vlog.
Sa simula nito, makikitang nagtungo siya sa isang mall upang bumili ng regalo para kay Samsam.
Ayon kay Yiv, nahirapan siyang pumili ng regalo para sa pamangkin kaya nauwi siya sa pagbili ng isang pares ng sapatos. Pagdating sa venue, agad niyang ibinigay ang regalo kay Samsam, na masayang nagpasalamat matapos itong buksan.
Bukod sa gift-giving, tampok din sa selebrasyon ang iba’t ibang inflatables, catering setup, at ang birthday song na inialay ng mga bisita para sa celebrant.
Naging posible rin ang pagdiriwang ng kaarawan ni Samsam sa tulong ng ilang sponsors gaya ng Kidlee, Biancakes, Bunny Unlimited, Victoriano’s Garden Cafe, Food by Bela, Say Riz 360, Tiny Buds’ Kids Shampoo & Conditioner, Viyline Print, Tin’s Pizza, at Remilly’s Yema Cake.
Samantala, nakatanggap din si Samsam ng birthday greetings mula sa ilang netizens na nakiisa sa kanyang espesyal na araw.
Nelvie Secillano Rogando: “Happy birthday, Sam! God bless you.”
Eloisa Quevedo Trinidad: “Happy birthday, pretty girl Sam.”
Janine Mascardo: “Happy birthday, Sammy!”
Darlyn Lopez: “Happy birthday, Samsam!”
Lea Cochangco: “Happiest birthday, Sam!”
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
This website uses cookies.