EXCLUSIVE: COLN Band Gives a Glimpse Into Their Next Release

Matapos ilabas ang kanilang single na “WASAK” noong February 2026, muling nagbabalik ang Filipino rap-rock band na COLN ngayong buwan upang ipasilip sa kanilang mga tagahanga na may bago silang kantang inihahanda.

Pinangungunahan ni Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV, ang COLN kasama sina Yow Andrada, Awi Columna, Gio Herrera, at Nins Denso.  Kilala ang grupo sa kanilang rap-rock sound at sa kanilang energetic na approach sa paggawa ng musika.

What’s Next for COLN

Sa kanilang latest upload, makikita ang buong banda na abala sa paghahanda para sa kanilang panibagong release. 

Sa kabila ng maulang panahon, tila hindi ito naging hadlang sa kanilang gig session habang patuloy silang nagtutulungan para mabuo ang kanilang bagong materyal.

Bagama’t wala pang ibinabahaging detalye ang banda tungkol sa pamagat o eksaktong release date ng kanilang susunod na kanta, sapat na ang maikling pasilip upang muling makuha ang atensyon ng kanilang listeners.

Matapos ang “WASAK,” natural lang na abangan ng kanilang fans kung anong bagong awitin at kwento ang ihahatid ng COLN sa kanilang susunod na release.

Netizens’ Comments

Mrlon Ncp: “Kelan regional tour niyo? Hahaha! Gusto ko kayo mapanood live. Kabisado ko na mga lyrics ng kanta niyo. Habang nagmomotor ako, yan ang soundtrip ko sa speaker ko. ’Di bale nang marinig ako. Kasi wala akong pakeeee!”

Vnsn Mngbs: “Gig naman, mga bossing!”

Johnmel Tanay: “Babangis niyo, mga lods!!”

Wilson Hernande: “May exhibition ba ulit? Hahaha!”

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

12 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.