Cong TV, Burong, and Dudut Go All-Out in Hilarious Impersonation to Surprise Team Payaman in Vietnam

Katatawanan ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs na sina Cong TV, Burong, at Dudut, matapos nilang makiisa sa trip ni Viy Cortez-Velasquez.

Maging matagumpay kaya ang kanilang surpresa para sa kanilang mga kapwa TP members na nagbakasyon sa Vietnam?

BIGLAANG SUNOD

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez ang kanilang plano na sumunod sa mga kapwa TP members sa Vietnam.

Kinasabwat niya ang asawa niyang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at kapwa TP members na sina Jaime de Guzman, a.k.a Dudut, at Aaron Macacua, a.k.a Burong.

Ang plano nila ay gulatin ang mga kapwa TP members na sina Junnie, Vien, Pat, at Keng na nauna na sa Vietnam. 

Kwento ni Viy ay ginamit niyang alibi ang kanilang paglipad sa London bilang excuse sa hindi pagsama sa kanyang mga in-laws.

“Pinilit ko na hindi sabihin na pupunta kami kasi ito [lang] ‘yung available na araw namin. Hindi ko kaya at ni Cong ng 7 days,” kwento ni Viviys.

Upang mas maging kwela pa ang kanilang plano, naisipan ni Viviys na bilhan ng mga nakakatuwang mga kasuotan sina Cong, Dudut, at Burong upang hindi sila makilala.

Suot ni Cong ang all-yellow outfit, habang si Burong naman ay native Vietnamese costume, at nagpanggap namang ride-hailing driver si Dudut.

Maya-maya pa’y nagsimula na silang sundan ang mga kapwa TP members sa pamamagitan ng pagsilip sa kanilang location-sharing app.

Matapos ang pag-i-ikot at pagtatago, nagkita-kita na rin sa wakas ang kanilang grupo.

“Hala sila Burs ba ‘yan?!” laking gulat ni Pat.

“Hi mga friends!” pagbati ni Vien sa mga kaibigan.

“Tara na, simulan na siguro ang Vietnam trip!” paanyaya ni Viviys.

Funny Comments

Samantala, marami ang hindi napigilang matawa sa kakaibang trip nina Viviys, Cong, Dudut, at Burong.

@abcdefg101-w3q: “Legit yung hanapan scene lahat stress kase ‘di naman talaga accurate yung 360 pero at least nag kita-kita haha grabe rin yung effort ng gang mo Viviys go with the flow sila sa nangyayari.”

@eve_shn: “Comforting talaga for me ng mga vlogs ng TP lalo na CongViy!”

@Warvyolvido-fc7sf: “Ang spontaneous mo talaga Vivys nakakamiss ang ganito mong content.from start to finish nakangiti lang!”

@mharleinriohnamallo2511: “Salamat palagi sa pag papasaya sa amin at pag bibigay ng mga lesson sa buhay buhay. lovelots!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

1 day ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

4 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

5 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.