Top-Tier Care: Ate Ivy Cortez-Ragos Introduces Her Family’s New Partner in Dental Health

​

Sa kanyang pinakabagong mini-vlog, ipinasilip ni Ate Ivy Tumbaga Cortez-Ragos ang naging pagbisita ng kanilang pamilya sa Smile Bay Dental Clinic, kasama ang kaniyang mister na si Jeff at ang panganay na si Princess.

Expert Treatment for the Whole Family

​Ibinahagi ni Ate Ivy na ilang araw nang inirereklamo ni Princess ang pananakit ng kanyang ngipin, kaya naman kinailangan na itong ipatingin sa eksperto. 

Matapos ang masusing pagsusuri at pagkuha ng digital radiography (X-ray), natuklasan ng dentista na kailangan nitong sumailalim sa Root Canal Treatment upang tuluyang mawala ang sakit at mailigtas pa ang natural na ngipin ng bata.

​

Samantala, nagpalinis naman ng ngipin (oral prophylaxis) ang kaniyang asawang si Jeff upang mapanatiling malusog at makinang ang kaniyang ngiti.

Sa gitna ng kanilang check-up, ipinagmalaki rin ni Ate Ivy ang malawak na serbisyo ng clinic—mula sa General Dentistry, Orthodontics, at Cosmetic Dentistry, hanggang sa Implants, Pediatric Dentistry, at TMJ Treatment.

Goodbye to Fear, Hello to a Confident Smile!

​Bukod sa mismong gamutan, labis ding pinuri ni Ate Ivy ang magaan na pakiramdam sa loob ng clinic. 

Inilarawan niya ito bilang napakalinis, maluwag, at maaliwalas, na mga katangiang agad na nakakapagpabawas ng kaba pagpasok pa lamang.

Dahil na rin sa sobrang friendly at accommodating ng mga dentista at staff, mabilis na napapanatag ang loob ng mga pasyente.

​”Goodbye sa masungit na dentist, hello sa friendly at joyful na clinic!” masayang hirit ni Ate Ivy sa kaniyang mga followers. 

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

23 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

24 hours ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.