Viy Cortez-Velasquez Challenges JM Ibarra and Fyang Smith to an Ultimate Kitchen Battle

Isang kwelang Kitchen Wars serye episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez kasama ang PBB Gen 11 stars na sina JM Ibarra at Fyang Smith. 

Sino nga kaya ang papasa sa panlasa ng mga hurado? Alamin!

Kusina Wars

Sa kanyang latest Kusina Wars episode, hatid ni Viy Cortez-Velasquez ang isa nanamang kwela at nakakagutom na cooking session kasama ang loveteam na JMFyang.

Para sa kanilang challenge, ang kilalang Filipino dish na Bopis ang kinakailangang lutuin nina Viy, Fyang, at JM.

Upang matulungan siya sa kanyang recipe, taas noong nakisaya si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kanilang cooking session.

Sa gitna ng kanilang cooking session ay hindi nawala ang pagkamasayahin nina Fyang at Viviys na siyang nagbigay kulay at saya sa kanilang pagluluto.

Bukod sa pagluluto, sumalang din sa malalang aktingan sina Fyang at JM kasama ang Team Payaman member na si Chino Liu.

“Tignan mo, namula na ‘yung ganito mo [pisngi] oh!” pagaalala ni Fyang.

“Ano ‘yan, rosy cheeks!” pabirong sagot ni Chino.

Nang oras na para kilatisin ang kanilang mga luto, sumalang na sina Cong TV, Yow, Chino, at Kuya Terio sa panghuhusga.

Una nilang minarkahan ang mga pagkain base sa hitsura at lasa nito. Sa huli, nanalo ang tandem nina Dudut at Viviys.

Funny Comments

Marami sa mga manonood, kabilang na ang mga tagasuporta ng JMFyang ang naaliw sa kakaibang content na hatid nila kasama si Viviys.

@Sheiluhh: “Now gets ko na mga JMFyang, may chemistry talaga!”

@manilyncantuba5757: “Laughtrip kay Fyang at Viviys magkavibes talaga sila ng energy baka naman pwede season 2!”

@akosikeyt15: “Walang tapon parehas baliw [laughs]”

@aaieeuo: “Parang magkapatid sa past life si  Viy Cortez   tsaka si Fyang HAHAHAHAHAHAHAH parehas may tama parehas makulit!”

@TOPNOTCHERBYGODSGRACE: “LAPTRIP! THE COLLAB WE NEVER ASKED FOR HAHAHHAHAHAHH PERO GRABE ANG TANDEM NA ‘TO. DAMI KONG TAWA AAHAHHAAAHAHA”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Awi Columna Shares the Unexpected Journey of the Team Payaman Logo

Mula sa isang simpleng T-shirt design, naging bahagi na ngayon ng isa sa mga pinakakilalang…

20 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Reminds Parents To Be Prepared For Unexpected Health Emergencies

As flu season continues, Mommy Pat shares a timely reminder for parents about the importance…

20 hours ago

Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Available on TikTok Shop

Now that the Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat is just around the corner,…

2 days ago

Ready for Team Payaman Fair 2026? Here’s How to Secure Your Tickets and Access Your QR Code

With public ticket selling for Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat now open, Team…

2 days ago

Awi Columna Turns Dudut’s Love Story Into the Relatable Track “xenxa”

Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang…

2 days ago

Team Payaman’s GengGeng Shares a Glimpse of His Usual Home Tasks

Ipinasilip ng next-gen Team Payaman vlogger na si Genggeng ang mga tagpo sa kanyang buhay…

2 days ago

This website uses cookies.