Team Payaman’s Kevin and Abigail Hermosada Happily Reveal Their Baby’s Gender

Isang intimate gender reveal party ang isinagawa ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada kamakailan lang.

Tunghayan ang hindi malilimutang tagpo sa buhay ng mag-asawang Kevin at Abi, kasama ang kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan.

Intimate Gender Reveal

Sa social media post ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada, excited niyang ipinasilip ang mga tagpo sa simple ngunit makabuluhang gender reveal ng kanilang unang supling.

Kasama nila ng asawa niyang si Abigail Hermosada ang kanilang mga magulang, kapatid, at mga malalapit na kaibigan.

Bago pa man tuluyang malaman ang kasarian ng kanilang little one, isa-isang kinasa ng ilang Team Payaman members ang kanilang hula sa magiging kasarian ng baby nina Kevin at Abi.

“I think sa freshness [ni Abi], I think you’re a girl,” hula ni Chino.

“Feeling ko, ikaw ay Baby Girl!” ani Aki, Kevin, at Tin.

Para naman kay Junnie, ang kanilang anak ay magiging lalaki, habang si Vien naman ay tiwalang babae ang anak nina Kevin at Abi.

Samantala, Team Girl naman si Daddy Kevin at Team Boy naman si Mommy Abi.

“Nako, ‘yung hitsura ng asawa ko parang girl!” hula ni Kevin.

“Boy ‘to!” sagot naman ni Mommy Abi.

Bago simulan ang kanilang simpleng gender reveal, pinasalamatan ng mag-asawa ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan na tumulong upang maging matagumpay ang pag-alam sa kasarian ng kanilang anak.

Inalam ng kanilang pamilya ang kasarian sa pamamagitan ng pagkain ng lollipop-like sweet treat na kung saan ang filling nito ang magdidikta ng kasarian ng kanilang anak.

Asul ang kulay kung ito ay lalaki at pink naman kung babae. Inabot ng walo ang bilang asul na mini lollipop cake at laking tuwa ng kanilang pamilya nang malamang Little Kevin ang paparating na supling.

Congratulatory Messages

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang pagbati matapos malaman ang kasarian ng kanilang little one.

Seth イ: “Nagwagi ang Buko ni Jireh Lim!”

Anne Barte: “Lahat ng alam kong buntis including me puro lalaki ang gender! Lakas ng mga team baby boys ngayong taon.”

SA RU: “Woooooow congrats sa baby boy. Alam ko team girl ako day 1 pa lang. Pero iba kasi blooming si misis. Hahaha. Congrats vrody”

Jelin Rebucias: “Di parin talaga nagkakamali si junnie boooy! Hahaha! Congrats Kevin and Abi!”

Yenny Certeza

Recent Posts

3 Reasons B1T1 Takeaway Coffee is the Ultimate Fuel for Busy Mornings

Coffee is a non-negotiable staple for every Filipino—not just in the morning, but throughout the…

3 days ago

Luxury in a Cup: How B1T1 Takeaway Coffee Bridges Quality and Everyday Pricing

In today’s fast-paced world, coffee has become the go-to for every Filipino in daily life.…

4 days ago

Velasquez Family Brings Love, Laughter, and Healthy Family Bonding to Purple Hearts’ Newest Campaign

The Velasquez Family proudly shared a special project close to their hearts as they teamed…

5 days ago

Boss Keng Switches Up His Daily Routine With Fitness and Family Bonding

Sa gitna ng pagiging abala sa araw-araw, sinubukan ni Boss Keng na baguhin ang kanyang…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 week ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 week ago

This website uses cookies.