Boss Keng Sells Motorcycle, Challenges Team Boss Madam for Commission Rights

Paalam na nga ba sa Team Payaman Motoclub? Ito ang katanungang iniwan ni Boss Keng matapos ibahagi sa bagong vlog na for sale na ang kanyang motor.

“BENTAHIII”

Sa latest vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ibinahagi niya ang kagustuhang maibenta na rin ang kaniyang Kymco AK550 Premium na motorsiklo sa kadahilanang naibenta na rin ng ilang Team Payaman Wild Dogs ang kanila.

Wala na nagmomotor sa Team Payaman. Si Junnie, nabenta na rin ‘yung motor niya. Ang may motor na lang sa amin, ako na lang at si Bossing [Cong TV],  kaya siguro it’s time na para ibenta na rin ang motor ko,” pahiwatig ni Boss Keng. 

Kasi kumbaga wala nang purpose eh. Hindi ba sabi nga ni Bossing [Cong] kapag may bagay na gagawin, dapat may purpose,” hirit pa ni Mentos.

Kaya naman naisipan ni Boss Keng na siya na lang ang magkapurpose para sa Team Boss Madam na sina Michael Magnata, a.k.a Mentos, Nigel Tagle, at Nelson Mendoza, a.k.a  Sonny J, at hamunin sila ng “Benta mo ang bike ko beybe”.

Kung sino ang makabenta sa inyo, may commission. Kilala niyo ako, malaki ang bigayan ko,” ani Boss Keng.  

Upang mas mapadali ang proseso ng kanilang pagbebenta, hinamon ni Boss Keng ang team na kumuha ng litrato na may iba’t ibang poses kasama ang motor upang maipost ito sa kanilang personal accounts. 

Kailangan ko lang ng tulong niyo kasi kailangan ko ng model tsaka picture para may pangpost kayo sa mga page niyo. Wala na magbibihis. Kung anong suot niyo, yan na,” hamon ni Boss Keng.

Dagdag pa ng team, napakasulit na bilhin ang motor na ito sa halagang Php 450,000 lamang (negotiable pa), kumpara sa brand new na mabibili sa halagang Php 629,000.

Hatid nito ay 13K odometer, low maintenance with gold chain, noise control, aerodynamic winglets, foldable side mirrors, wide seat storage, keyless fuel cap, one-touch steering lock, with RFID, at iba pa. 

Kung interesado ka, sugod na sa accounts nina Mentos, Sonny J, o Nigel!

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
23
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *