Team Payaman’s Cong TV Surprises Genggeng with a Hong Kong Trip

Matapos ang kanyang academic dilemma, isang surpresang out-of-the-country trip ang hatid ni Cong TV para kay Genggeng.

Silipin ang mga tagpo sa recent Hong Kong trip ng ilang Team Payaman Wild Dogs.

PASENSYA

Sa kanyang recent vlog, ibinahagi ng Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ang mga tagpo sa kanilang pagbisita sa Hong Kong.

Dahil sa pinagdaanang academic dilemma ng kanilang housemate na si Kevin Cancamo, a.k.a Genggeng, may aral na nais ibahagi ang kanyang Kuya Cong.

Sa simula ng vlog, buong akala ni Geng ay magbabalita lamang siya. Lingid sa kanyang kaalaman ay patungo na sila sa airport para sa kanilang flight.

“Aalis tayo?!” agad na yumakap si Geng sa kanyang kuya Cong.

Kasama rin nila si Kevin Hufana, ang secretary ni Cong TV, sa Hong Kong upang bigyan ng gantimpala matapos niyang pumasa sa kanyang thesis.

Pagkalapag ng Hong Kong, agad silang sinalubong ng iba pang Team Payaman members na sina Junnie Boy, Boss Keng, at Burong.

Sinubukan nila ang Hop On Hop Off bus tour, pagkain sa sikat na egg tart mula sa Bakehouse, spa, at marami pang iba.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang humanga at natuwa sa vlog na handog ni Cong TV.

@veryangnipablo: “Magkamukha na talaga si Cong at Geng.”

@WILSON_SF: “Lowkey ina apply ni Cong parenting kay Geng. Pinapa explore kung ano talaga yung gusto. One of Which is ang pagsasayaw ni Geng kasi may galaw naman talaga si Tropa mahiyain lang siguro sa umpisa.”

@JackielynManumbale: “Ako lang ba yung nakapansin na ramdam mong hindi oportunista si Genggeng? ‘Yung deserved niya lahat ng binibigay ni Cong!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

2 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

4 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

5 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

6 days ago

This website uses cookies.