Laughtrip ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at ilan sa kanyang mga special guests sa ikatlong episode ng kanyang CARambola serye.
Tunghayan ang hindi inaasahang collaboration kasama ang beteranong aktor at ilang social media personalities.
Sa ikatlong episode ng CARambola serye ni Viviys, muli siyang nag-imbita ng mga makakasama sa kanyang kwelang road trip.
Una niyang pinasakay sa sasakyan ang beteranong aktor na si Christopher de Leon na game na game na nakipagkulitan sa kanya.
Hindi maiwasang mastarstruck ni Viviys nang makadaumpalad ang aktor na kapareho niyang naghahanap ng pagkain.
Habang nagmamaneho ay hindi napigilang usisain ni Viviys ang nakakahangang lifestyle ni Christopher.
Sunod naman nilang inaya sa loob ng sasakyan ang social media personalities na sina Euleen Castro, a.k.a Yobab, Ed Caluag, at Johnmark Gon.
“Curious ako na tayo magkakasama! Ang random neto!” biro ni Viviys.
Sa gitna ng kanilang roadtrip ay kaliwa’t kanan na chika ang hatid ng kanilang grupo, dahilan upang humalakhak din ang mga manonood.
Samantala, marami ang natuwa at napahalakhak sa hindi inaasahang collab na hatid ni Viviys.
@h00nnsh: “HELP ANG RANDOM NI CHRISTOPHER DE LEON AJHSAJSHSJHAHSHAHAHSHS”
@rica3766: “SI VIY LANG TALAGA NAKAISIP NIYAN”
@jaym2162: “So far ito yung pinaka favorite kong episode ng CARambola”
@FreeReelsOnYouTube: “Bwiset HAHAHA Mag 4am na tumatawa ako ng walang sounds!”
Watch the full vlog below:
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
This website uses cookies.