Junnie Boy Reacts to Heartwarming Father’s Day Video Greeting from Mommy Vien and Kids

Tampok sa bagong vlog upload ng Team Payaman member na si Mommy Vien Iligan-Velasquez ang simple ngunit masayang Father’s Day celebration ng Pamilya Velasquez sa kanilang munting tahanan.

Happy Father’s Day

Unang ipinasilip ni Mommy Vien sa vlog ang preparasyon sa munting salu-salo para sa Velasquez Family bilang selebrasyon ng nagdaang Father’s Day noong June 21. 

Tampok din sa vlog ang nakakatuwang bonding ng magpipinsan na sina Mavi, Viela, Isla, at Ulap; pati na rin nina Junnie Boy, Pat Velasquez-Gaspar, Boss Keng, at Tiyang Venice,  Lolo Marlon, at Lola Jovel. 

Surprise Video Greeting

Isa sa pumukaw sa atensyon ng netizens ay ang reaksyon ni Junnie Dad sa regalo ng kanyang pamilya na isang surprise video greeting at mini question and answer ng mga anak na sina Kuya Von Maverick at Alona Viela. 

Naghanda si Mommy Vien ng ilang mga katanungan na siyang buong-pusong sinagot ng mga anak bilang pagbati at pagpupugay sa kanilang ama.

Isa na sa katanungan ay ang pagtukoy sa kanilang daddy in one word na ang sagot naman ni Mavi ay “Hero” at ni Viela naman na “Sweet, love niya ako.” 

Para kay Kuya Mavi, ang paglilinis ng mga laruan at paglalangoy sa swimming pool ang mga paborito niyang gawain kasama ang ama. 

Kwento naman ni Viela ay masaya siyang binibilhan siya ng mga laruan ng ama kapag nalulungkot siya at handa niya rin itong gawin sa tuwing si Daddy Junnie ang malungkot. 

Matapos ang ilan pang mga katanungan, bilang pagtatapos ng surprise video greeting, malambing na mensahe ang iniwan ng magkapatid.

“Thank you, Daddy, kasi nandyan ka lagi para sa amin. Thankful ako kasi ikaw ang daddy ko. Happy Father’s Day. I love you!” ani Mavi.

“Punta na tayo sa Japan, daddy. Happy Father’s Day! I love you so much,” mensahe naman ni Viela.

Matapos mapanood ang video ay matamis na hug at kiss ang bumalot sa buong pamilya. 

“Happy Father’s Day, Daddy Junnie Boy ! We love you so much and forever grateful for everything you do for our family. Thank you for your love, hard work, patience, and for always being there for us. You are an amazing husband and the best daddy we could ever ask for. We hope you like our little gift, a video message made with lots of love, just for you,” caption ni Mommy Vien nang ibahagi ang buong video sa social media. 

Hindi naman mapigilan ng netizens na humanga sa kanilang napanood.

jasgwy: “Super cute na nagsilapitan din si Mavi at Viela nung lumapit si Vien kay Junnie. Matic sa kanila na i-hug and i-kiss parents nila. Kita talaga na pinalaki silang affectionate. Happy Father’s Day Junniedad and sa mga tatay sa TP.”

Carizzamaepol6829: “Kuya mavi is super sweet kahit na ilang words lng sinsabi nya teary eyed ako sa kanya. Vielaboo, ang cute kindat girl! Happy Father’s day Team Payaman.”

Watch the full vlog below:

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

2 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

4 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

5 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

6 days ago

This website uses cookies.