A Mother’s Transformation: Pat Velasquez-Gaspar Opens Up About Her One-Year Fitness Journey

Ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang one-year fitness journey kasama ang Beauty Couture Aesthetic Clinic, kung saan nakita ang kanyang transformation mula June 2025 hanggang June 2026. 

Para kay Pat, hindi lang ito tungkol sa pagbabago ng timbang, kundi tungkol din sa paglalaan ng oras para sa sarili habang patuloy na ginagampanan ang pagiging isang ina.

From 74kg to 55kg

Kwento ni Pat, nagsimula ang kanyang journey ilang buwan matapos siyang manganak. Noong panahon na iyon, umabot siya sa 74kg habang nagpapa-breastfeed at nag-aadjust sa bagong chapter ng kanyang buhay bilang mommy. 

Kasabay nito, naramdaman din niya ang pagiging conscious sa kanyang katawan, skin, at overall confidence matapos ang pagbubuntis.

Dito niya nakilala si Miss Em Bautista na naging bahagi ng kanyang fitness journey at tumulong sa kanya para maabot ang kanyang goal. 

Ayon kay Pat, una niyang naisip kung posible pa ba niyang maabot ang 58kg, pero binigyan siya ng assurance na kakayanin niya ito.

“Wag kang mag-alala, ako ang bahala sa’yo,” pagbabahagi ni Pat tungkol sa naging suporta na natanggap niya.

Mula sa 74kg, unti-unti niyang naabot ang kanyang goal at matapos ang isang taon, mas lalo pa niya itong nalampasan nang maging 55kg ang kanyang timbang.

Consistency, Commitment, and Confidence

Ipinakita ni Pat na ang transformation ay hindi nangyayari overnight. Sa pamamagitan ng consistency, commitment, at tamang gabay, nagawa niyang maabot ang healthier at more confident version ng kanyang sarili.

Netizens’ Comments

Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang paghanga sa kakaibang dedikasyon ni Pat sa kanyang self-love journey.

Cristina Dumape Descalzo: “Gandaaaa. Fresh parang lumpiang sariwa, Pat!”

Isabelle Torres Gacus: “Blooming na blooming na ang idol ko.”

Jess Rivera: “Dahil pumayat ka na ulit, baby number 3 na daw. It’s time for a girl, hahahaha.”

Sofia Roche: “Kaya pala ang glowing ni Neneng Lameg.”

Emeren Advincula-Gonzales: “Ganyang mga look bagay sa’yo, Pat!”

Kendra Louise: “Super ganda at bait talaga nito ni Miss Pat Velasquez-Gaspar.”

Likes:
0 0
Views:
21
Article Tags:
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *