Isang kwelang hamon ang hinarap ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng kasama ang mga kaibigan na sina Mentos at Sonny J.
Mapagtagumpayan kaya nina Boss Keng ang ‘Bawal Tumanggi’ challenge? Alamin sa kanyang vlog.
Sa kanyang bagong YouTube upload, isinama ni Boss Keng ang mga kaibigan na sina Mentos at Sonny J mamasyal.
Ang konsepto ng kanilang ‘Yes Challenge’ ay kung sino man ang tatanggi sa iuutos ng bawat isa ay kinakailangang magbayad ng limangdaang piso.
Nagtungo ang grupo ni Boss Keng sa isang mall upang maisagawa ang kanilang hamon. Una nang sumalang sina Boss Keng at Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J, nang mautusan silang magpanggap na barker at magpasakay ng mga pasahero sa jeep o multicab.
Isa sa naging highlight ng nasabing vlog ay nang may makadaumpalad si Boss Keng na nagbigay sa kanya ng ‘tip.’
“Ang bait ni Tatay! Alam niyo, janitor daw si Tatay. Nagulat ako inabot [‘yung barya] eh,” kwento ni Boss Keng.
Nanawagan din si Boss Keng sa nasabing vlog na padalhan siya ng mensahe ng nakasalamuhang janitor na nag-abot ng barya sa kanya.
Ilan pa sa mga hamong kinagiliwan ng mga manonood ay ang paghingi ng pamasahe sa mga sasakay ng jeep at pag-sayaw ng TikTok dance trend na ‘Hawak Mo Ang Beat’ kasama ang ilang mga estranghero.
Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang sentimento matapos mapanood ang bagong vlog na handog ni Boss Keng.
@Eybi943: “Sana ipahanap mo sila Boss Kengyung nagbigay sayo pamasahe saka yung janitor na nag bigay ng barya tas tumbasan mo yung kabaitan na binigay nila sayo.”
@navskie550: “Boss Keng’s challenge: Ibalik ang kabaitan ng mga mapagbigay!”
@jamaicabanawe5897: “Boss keng hanapin mo si tatay tas help sa next vlog mo!”
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.