Dahil sa hilig ng Team Boss Madam sa pangmalakasang adventure, kakaibang aktibidad naman ngayon ang kanilang sinubukan.
Silipin ang mga tagpo sa madamdaming in-house camping simulation na inihanda ni Boss Keng para sa kanyang mga kasama sa loob ng kanilang bahay.
Sa kanyang bagong vlog, isang in-house adventure ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, para kina Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J, Michael Magnata, a.k.a Mentos, at Nigel Tagle.
Ani Boss Keng, marami siyang napamiling camping equipments online. Upang masiguro ang kalidad nito pagdating sa kanilang mga darating na adventures, minabuti niyang subukan muna ito sa loob ng kanilang bahay.
Matapos ang kanilang paghahanda, isang masayang kwentuhan at kainan ang sumalubong sa Team Boss Madam.
Isa sa mga naging rason ng pagiging emosyonal ng mga kasama ni Boss Keng ay ang kanilang heartfelt conversation.
Isa-isang ibinahagi nina Boss Keng, Nelson, Mentos, at Nigel ang mga nagpapasaya sa kanila sa ngayon at ilan sa tunay na kwento ng kanilang buhay sa likod ng camera.
“Sobrang saya ko kapag hinahatid ko si Isla sa school. Si Ulap, parehas sila, nakikita ko ‘yung development. Sila ang joy ko ngayon,” pagbabahagi ni Boss Keng.
Naging dahilan ang kanilang kwentuhan upang maipahatid ng Team Boss Madam ang kanilang pasasalamat kay Boss Keng sa tulong at suportang natanggap.
“Iba ‘yung trip ni Boss Keng, kumbaga ‘yung mga simpleng bagay ang saya agad pag magkakasama tayo,” ani Nelson.
Samantala, marami ang naantig sa kwentong hatid ng Team Boss Madam sa latest vlog ni Boss Keng.
@donnieroseramirez3071: “Ang ganda nito. Home camping tapos deep talks!”
@EviePallera: “Ito ang pinaka magandang vlog na napanood ko so far. Thanks! Sarap, napaiyak din ako.”
@Xiao.minaaaaa: “Iba talaga kapag nahanap mo yung circle of friends mo.”
Watch the full vlog below:
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
This website uses cookies.