Hindi maitatanggi na malakas na impluwensya ng Viyline CEO and Founder na si Viy Cortez-Velasquez matapos humakot ng mahigit 9,600 orders sa loob lamang ng isang araw sa nagdaang Viyline Clearance Sale noong March 24.
Ang nasabing tagumpay ay bahagi ng isinagawang Clearance Sale bilang pagdiriwang sa paglipat ng Viyline sa pinakabagong Office & Warehouse nito sa Carmona, Cavite.
Sa loob ng halos walong oras na TikTok live na pinangunahan ni Viviys, hindi pinalampas ng libo-libong mga tagasuporta ang Buy 1 Take 1 promo sa lahat ng produkto ng nasabing brand.
Kabilang sa mga naging bestsellers ay ang: Viyline Cosmetics, Viyline Skincare, Ivy’s Feminity, Luxe Slim Choco, TP Kids, King Sisig in a Jar, Snake Brand, Perfect Scent, and Novellino x Team Payaman Wines
Bukod sa mga discounts, hindi rin nawala ang samu’t saring freebies na personal na ipinamahagi ni Viviys habang nakikipagchikahan sa kanyang mga viewers.
Ayon kay Viviys, ang isinagawang Clearance Sale ay nagsilbing warehouse-warming event para sa mas malaki at mas makabagong facility para sa kanyang negosyo.
Sa gabay ng kanyang ama at General Manager ng kumpanya na si Mr. Rolando B. Cortez, naging matagumpay ang operasyon ng nasabing online sale.
“Salamat sa mga sumuporta sa aming kauna-unahang liveselling session kagabi sa bagong office warehouse ng Viyline. Mas maluwag, mas maaliwalas, at mas naramdaman namin ang grasya ng Diyos!” pahayag ni Mr. Cortez sa kaniyang Facebook post.
Hindi pa rito nagtatapos ang mga pasabog ng Viyline ngayong taon. Inimbitahan din ni Viviys ang publiko na abangan ang mga malalaking events ng Viyline at Team Payaman:
Para sa mga hindi nakahabol sa sale, manatiling updated at mag-follow sa mga social media pages ni Viy Cortez-Velasquez at Viyline Media Group para sa mga susunod na live selling schedules at iba pang exciting surprises!
Masayang ipinagdiwang ng pamilya Cortez-Velasquez at ilan sa kanilang mga malalapit na kaibigan at mga…
To mark a stronger year ahead, Viyline Group of Companies announces its relocation to provide…
Matapos ang kanilang beach getaway, namasyal naman ang pamilya Velasquez-Gaspar sa Dinosaur Island sa Clark,…
It is truly an exciting year for the entire Cortez-Velasquez family as they continue to…
Sa latest episode ng Friends Without Benefits podcast series nina Jai Asuncion, Albert Nicolas, at…
Isang masayang family adventure ang hatid ni Mommy Vien Iligan-Velasquez matapos ang kanilang Disney Cruise…
This website uses cookies.