Matapos ang apat na taon, pormal nang namaalam ang video editor ni Cong TV na si Ephraim Abarca sa kanyang mossing.
Alamin ang komento ng mga netizens at kung ano ang mensahe ni Cong TV sa kanyang minamahal na video editor.
Sa isang Facebook post, pormal na inanunsyo ng TP editor na si Ephraim Abarca ang kanyang pamamaalam bilang video editor ng Team Payaman vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
“Im no longer the editor of Cong TV. Thank you bossing for letting your channel be my playground for 4 years. Editing for Cong TV will always be part of my growth. That’s one helluva journey,” ani Eph sa kanyang post.
Nakilala si Eph bilang kasangga ni Cong pagdating sa kanyang mga vlogs. Ang ‘creative mind’ sa likod ng kanyang mga pangmalakasang video content na umaani ng milyun-milyong views online.
Isang appreciation post naman ang handog ni Cong TV para sa kanyang video editor na nakasama ng mahigit apat na taon.
“Pards sabi mo day-off ka lang… pero seriously salamat sa lahat dahil hindi lang vlogs ang inedit mo pati na rin ang kwento ko. Kung nasan man ako ay malaking parte ka nun. Hindi ka lang nag-edit ng clips.. you helped build my career. wala akong ibang hinihiling kundi lumipad kayo sa nga tinatahak niyong landas tulad ng paglipad mo dito. Maraming salamat sa pag-sama sakin tumalon,” mensahe ni Cong.
Bagamat marami ang nalungkot sa balitang hatid ni Eph sa mga solid TP supporters, bumuhos naman ang suporta para sa kanya.
Cedwick Capili: “I think gumawa si cong ng sariling prod company. Sila eph yun.”
Kai Banico: “Im no longer the editor of Cong TV.” I’m the director of Team payaman na daw sya.”
Joseph Ocaña Lenizo: “Director na yan, sya nag direct nung music video e”
Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…
Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…
Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…
Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…
Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…
Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…
This website uses cookies.