Bukod sa vlogging, isa ang pagiging professional e-sports player sa pangarap ng Team Payaman member na si Junnie Boy.
Tunghayan ang kanyang muling pagkahumaling sa paglalaro kasama ang kapwa TP member na si Coach JM Macariola.
Sa kanyang bagong vlog, ikwinento ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, na isa ang pagiging professional e-sports player sa kanyang pangarap.
Noon pa man ay kasama na niya ang kanyang Kuya Cong sa paglalaro ng online games gaya ng Dota at Mobile Legends, na siyang minahal ng kanilang mga taga-suporta.
Kasama ni Junnie ang kapwa TP member na sina Coach JM at Nelson Mendoza, a.k.a Sonny J, sa pagsilip ng iba’t-ibang gaming equipments.
Nakiisa rin sila sa isang mini tournament kung saan nakasama ni Junnie Boy ang aktor at rapper na si Elmo Magalona.
Naging mainit ang laban dala ng batuhan ng galing ng bawat isa sa paglalaro ng ‘Valorant.’ Hindi man pinalad manalo, naging masaya naman ang dalawa sa karanasang makalaro sa isang celebrity showmatch.
“In the end, hindi ako naging pro player, pero naging swerte ako kasi sa isang libo na naglalaro, lima hanggang kinse lang ang nabibigyan ng chance sa celebrity showmatch,” reyalisasyon ni Junnie.
Matapos mapanood ang vlog, marami ang nagpadala ng kanilang komento sa paglalaro ni Junnie at Coach JM.
@Mirakuru101: “Napaka swerte ng mga bagong henerasyon ngayon dahil yung esports na recognize sa kanila. yung time namin pinagtatawanan kami pag awards samin ng 2nd runner up sa Dota 2”
@hrramosmax: “Content material talaga to si Coach JM haha”
@osozakii: “Hoping to meet you one day.”
@TomasWildtime: “Yooowwwnnn!”
@justified328: “AHHH CLASSIC JUNNIEBOYY!”
Watch the full vlog below:
Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…
Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…
Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…
Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…
Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…
Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…
This website uses cookies.