Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.

Silipin ang masayang HKOP x Sanrio experience ng pamilya Velasquez-Gaspar bilang family-of-four.

Sanrio x Ocean Park

Sa kanyang recently-uploaded reel, handog ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilang pasilip sa Sanrio x Ocean Park Hong Kong experience ng kanilang pamilya.

Dahil ito ang kauna-unahang out-of-the-country trip ng pamilya Velasquez-Gaspar bilang family of our, excited ang kanilang pamilya sa paglilibot sa nasabing parke.

Isa sa highlight ng kanilang pagbisita sa Ocean Park Hong Kong ay ang ekslusibong Sanrio activation na siyang ikinatuwa nina Isla at Ulap.

Ilan sa mga Sanrio characters na kanilang nakita ay sina Hello Kitty, My Melody, Cinnamoroll, at Kuromi.

Hindi rin nila pinalampas na masilip ang mga ipinagmamalaking Panda Family at mga sea lions ng nasabing pook pasyalan.

Hindi lang ang mga bata ang nag-enjoy dahil all smiles din sina Mommy Pat at Daddy Keng sa mga rides, attractions, at souvenirs na kanilang nasaksihan.

An Experience To Remember

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa mga pasilip na handog ni Pat sa mga manonood.

Mariella Barallas Santos: “Wow, ang ganda! Enjoy!”

Donita Rose Cornito: “Hello Kitty! My all time favorite! Mula noon, hanggang ngayon!”

Jeanilyn Juanich Sab: “Pogi [ni] Isla and pogi [ni] Ulap!”

Likes:
0 0
Views:
14
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *