Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye entry.
Alamin kung paano nga ba mas mapapasarap ang kainan gamit ang simpleng Tuna na pwedeng pwedeng gayahin sa loob ng bahay.
Sa kanyang recently-uploaded reel, handog ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez ang isang merienda recipe gamit lamang ang Tuna.
Cheesy Tuna Pie ang naisip gawin ni Viviys na kaniya ring ibinahagi sa kanyang mga kasamahan sa loob ng bahay.
Una nang sinala ni Viy ang sabaw ng kanyang tuna matapos buksan ang lata upang matanggal ang sobrang mantika.
Sunod naman niyang nilagyan ng mayonnaise ang tuna at kanya na rin itong hinaluan ng mga pampalasa.
Maya maya pa ay hinanda na rin ni Viviys ang tinapay na kanyang gagamitin bilang balat ng kanyang Cheesy Tuna Pie.
Kanya na ring pinatungan ng palaman at keso ang tinapay sabay tambog sa itlog at bread crumbs bago tuluyang prituhin sa mainit na mantika.
Matapos ang pagluluto, agad na ipinatikim ni Viy ang kanyang meryendang recipe sa mag-amang Cong TV at Kidlat.
“Sarap ng food ah!” inisyal na reaksyon ni Kidlat.
“Sarap!” ani Cong TV.
Watch the full video below:
Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…
Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…
Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…
Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…
Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang…
This website uses cookies.