Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na binisita ni Viy Cortez-Velasquez at Cong TV ang mga ito.
Silipin ang mga tagpo matapos silipin nina Cong at Viviys ang tahanan ng Team Iligan-Velasquez at Team Velasquez Gaspar.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez na bibisita sila ng asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa tahanan nina Boss Keng at Junnie Boy.
Paliwanag ng mag-asawa, walang anumang isyu ang bumabalot sa Team Payaman na maaaring maging dahilan ng pagbukod ng dalawang pamilya. Ani Viviys, kailangan na ng mas malaking tahanan ng lumalaki nilang pamilya.
Una nang binisita ng dalawa ang bahay nina Junnie at Vien. Agad na inabot nina Tita Viy at Tito Cocon ang kanilang baong regalo para kina Mavi at Viela.
“Wow, you have a very beautiful house, Kuya!” bati ni Cong kay Mavi.
Namigay rin ng aguinaldo si Cong sa ilang mga housemates nina Junnie at Vien bilang simbolo ng diwa ng pasko.
Hindi rin naitago nina Junnie at Vien ang saya nang matanggap ang ‘Robot Cleaner’ na regalo nina Viviys.
“Para tayong nanalo sa raffle!” biro ni Vien.
Sunod naman nilang binisita ang bago ring tahanan ng pamilya Velasquez-Gaspar. Agad din nilang iniabot ang kanilang pamasko para kina Isla at Ulap.
Hindi rin magkamayaw sina Pat at Boss Keng nang matanggap din ang ‘Robot Cleaner’ na regalo ng dalawa.
“Wow! Dapat bibili ako nito, buti niregalo mo!” rekasyon ni Pat.
Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa nang makitang muling nagsama-sama ang Team Payaman.
@uzawa0: “Best uncle talaga si Cong. 1:38 and 4:44 Lagi niyang pinapaalala sa mga pamangkin niya na maganda ang bahay nila, para lumaki silang marunong magpahalaga sa kung anong meron sila.”
@yrrat7612: “The best talaga tong mag asawang to. Lagi ako napapangiti.”
@dowee789: “Yeeeeeey!!! Sana si kongtibe din ganto kadalas mag ayuda.”
Watch the full vlog below:
Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…
Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…
Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…
Aside from her fierce makeup looks, Viy Cortez-Velasquez’s followers adore how she elevates her looks…
Isang masayang adventure ang ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng matapos nilang…
This website uses cookies.