Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Junnie Boy ang mas personal na bahagi ng kanyang buhay bilang padre de pamilya.
Sa kanyang bagong vlog, tampok ang mga proseso ng pag-aayos ng kanilang tahanan at ipinakita ni Junnie Boy kung paano niya isinasabuhay ang pagiging dedikado at maaasahang ama sa mga simpleng gawain sa bahay.
Sa unang bahagi ng vlog, makikita si Junnie Boy na abala sa pag-aayos ng kanilang cabinet at mga personal na gamit sa bahay na kamakailan lamang nila nilipatan. Dito, ibinahagi niya na marami pang kailangang linisin at ayusin, kasabay ng pagbibigay-diin sa kanyang responsibilidad bilang ama sa loob ng kanilang tahanan.
Kasunod nito, ipinakita ni Junnie ang kanyang aktibong partisipasyon sa pagkakabit ng salamin, mula sa pagtiyak na pantay ang linya hanggang sa mismong pagbabarena sa pader.
Sa isang bahagi ng vlog, nakausap ni Junnie ang ama ni Vien tungkol sa kung paano nito hinaharap ang mga hindi pagkakaunawaan sa pamilya. Ayon sa kanyang biyenan, mas pinipili niyang manahimik o lumabas muna upang maiwasan ang pagtatalo.
Upang humingi ng mas malinaw na gabay, tumawag si Junnie sa kanyang ama na si Papa Shoutout. Sa kanilang pag-uusap, binigyang-diin ng ama ni Junnie na ang pinakamahalaga sa pagiging padre de pamilya ay ang pagiging presentable at komportable. Matapos ang tawag, sinabi ni Junnie na ito ang pinakaimportanteng payo na kanyang nakuha.
Sa pagtatapos ng vlog, ipinakita ang paglipat pag-install ng bagong gas oven sa kanilang kusina. Kasama ang kaibigang si Bok, katulong niya ito sa pagtanggal ng lumang lutuan na ginagamit pa nila mula pa noong 2019.
Matapos magsimula sa pagtutulungan kasama sina Bok at ang ama ni Vien, napagpasyahan nina Junnie at Bok na mas mainam na kumuha ng eksperto para masiguro na ligtas at maayos ang pagkakabit ng gas oven.
Samantala, maraming manonood ang natuwa sa mas nakakaaliw at personal na eksena kasama ang ama ni Vien, at sa ipinapakitang dedikasyon ni Junnie Boy bilang ama.
@mach2677: “Nakakatawa ‘yung duo ni Junnie tsaka Papa ni Vien.”
@reneecolleensapio8861: “More content with Papa ni Vien! Hahaha ang cute!”
@ptrcjd: “Grabe talaga ‘yung evolution ng vlogs ni Junnie Boy to Junnie Dad.”
Watch the full vlog below:
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…
Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…
Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…
This website uses cookies.