Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman, o mas kilala bilang Dudut Lang, sa kaniyang lumalagong YouTube career. 

​Matapos ang sunod-sunod na nakakatakam na Dudut’s Kitchen episodes, isang bagong serye naman ang inilunsad ng vlogger: ang kauna-unahang ‘Dudut’s Kitchen Awards’.

Dudut’s Kitchen Awards

​Kung dati ay sa loob lang ng bahay siya nagluluto para sa mga kasamahan sa Team Payaman, ngayon ay siya naman ang dadayo sa iba’t ibang kainan. 

Layunin ng bagong seryeng ito na maglibot sa mga restaurant, tikman ang kanilang best-sellers, at magbigay ng parangal sa mga kainang tunay na deserving.

“At dahil nga kakatapos lang ng Michelin Guide dito sa Philippines, naisipan ng Dudut’s Kitchen na gumawa at mag-start ng sariling award-giving body para someday ma-recognize din tayo katulad ng Michelin,” pahayag ni Dudut sa kaniyang vlog.

​Para sa kanyang pilot episode, hindi nag-iisa si Dudut dahil kasama niyang naggala sa Shore at Sea Residences sa Pasay ang kapwa Team Payaman member na si Genggeng at ang matalik na kaibigang si Albert. 

Pormal nilang ipinagkaloob ang unang set ng parangal sa limang restaurant na kanilang dinayo.

The Winners

​Kabilang sa mga nagwagi ang One Pot Hot Pot na nakasungkit ng Dudut’s Kitchen Tahimik Award dahil sa nakaka-speechless nilang mga putahe, at ang Six Doors BBQ Buffet na tumanggap ng Wallet Award dahil sa sulit na sulit nilang servings. 

Ginawaran naman ng Polaroid Award ang The Aviary dahil sa aesthetic nitong paligid at plating, habang ang Yangguofu naman ang nakakuha ng Bilao Award bilang pinaka-swak na kainan para sa barkada. 

Samantala, ang pinakamataas na pagkilala, ang Dudut’s Kitchen Star, ay matagumpay na nasungkit ng Hom Thai Food.

​Abangan ang mga susunod na Dudut’s Kitchen Awards sa YouTube channel ni Dudut Lang. Saan pa kaya nila dapat dalhin ang kanyang mabusising panlasa, mga Kapitbahay?

Angel Asay

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

2 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa…

3 days ago

This website uses cookies.