Sharing is Caring: Boss Keng and Junnie Boy Star in Viy Cortez-Velaquez ‘GIPGIBING’ Series

Upang patuloy na maipagdiwang ang diwa ng kapaskuhan, patuloy pa rin si Viy Cortez-Velasquez sa pagbibigay ng regalo sa kanyang kapwa Team Payaman members.

Kilalanin ang unang dalawang taong nakasama ni Viviys sa kanyang ‘GIPGIBING’ serye tampok ang mga kaibigan mula sa Team Payaman.  

GIPGIBING

Sa kanyang recent YouTube uploads, bumida ang TP members na sina Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, sa ‘GIPGIBING’ serye ni Viy Cortez-Velasquez.

Ang konsepto ng kanyang bagong serye ay maipakita ang kahalagahan ng pagbibigayan kahit tapos na ang pasko. 

Si Viviys ang siyang bumunot ng pangalan ng magbibigay ng regalo, makakatanggap ng regalo, at ng uri ng regalong kailangan ibigay ng kanyang nabunot.

Sa Episode 1, kanyang nabunot si Junnie at si Burong naman ang napiling makakatanggap ng regalong inidoro, na ayon kay Junnie ay magiging kapaki-pakinabang para sa kanilang bahay.

Episode 2

Para naman sa Episode 2, bumida naman si Boss Keng, kung saan si Cong TV naman ang nabunot na kanyang bibigyan ng regalo.

Bilang twist ng laro, ‘tiles’ o sahig ang kinakailangan na bilhin ni Boss Keng para sa kanya. Taas noo naman siyang sinamahan ni Viviys.

Bago pa tuluyang makuha ang kanyang regalo, ilang butas ng karayom ang kinailangang harapin ng dalawa gaya ng pangangaroling upang makalikom ng pera.

Sa kanilang paglilibot, may napansin silang binubuong tindahan kung kaya’t sinulit ni Boss Keng ang pagkakataon na humingi ng ‘tiles’ mula sa kanila.

“Ma’am, pwede po magtanong? May extra tiles po kayo diyan?” tanong ni Boss Keng.

Walang pagdadalawang isip na binigyan ng tiles ng may-ari si Boss Keng na siyang ikinatuwa at ipinagpasalamat ng dalawa.

Matapos makuha ang regalo, agad na dumiretso ang dalawa kay Cong TV upang ihandog ang regalo.

“Ito ‘yung mga bagay na hindi n’yo napapansin pero sobrang halaga. This is for you [Cong]. Merry Christmas and Happy New Year!” pagbati ni Boss Keng.

“Salamat! Mayroon kasing sirang tiles doon sa bahay, magagamit ko talaga,” pasasalamat naman ni Cong.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Cong Clothing Rebrands as ‘Team Pymn’, Drops New Shirt and Cap Collection This January

Team Payaman fans are in for a treat with fresh merch dropping this January from…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Visit Fellow TP Members’ New Home

Matapos ang paglipat ng ilang Team Payaman members sa kanilang bagong tahanan, buong galak na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Levels Up Merienda With Tuna

Pangmalakasang easy-to-follow tuna recipe ang handog ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang recent ‘Kuking Ina’ serye…

3 days ago

Kevin Hermosada Shares a Glimpse of His Daily Grind in Latest Vlog

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Kevin Hermosada ang kanyang life update, kung saan ipinasilip…

3 days ago

Mika Salamanca Recalls PBB Journey in Viy Cortez-Velasquez’s Latest Vlog

Hindi lang tawa at kulitan ang napanood ng mga fans sa pinakabagong YouTube vlog ng…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Her Kids’ Daily Protection

Afternoons are all about keeping children safe during playtime and outdoor activities. To make this…

5 days ago

This website uses cookies.