Vien Iligan-Velasquez Gives a Sneak Peek of Their Family’s New Abode

Isa sa mga labis na ipinagpapasalamat ng pamilya Iligan-Velasquez ay ang paglipat nila sa kanilang bagong tahanan bago matapos ang taon.

Tunghayan ang pasilip ni Mommy Vien Iligan-Velasquez sa unang selebrasyon ng pasko sa kanilang bagong tirahan.

New Home

Sa kanyang bagong vlog, inanunsyo ng Team Payaman momma na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang paglipat sa kanilang bagong bahay.

Ilan sa mga tagpo matapos ang kanilang paglilipat ay ang pagbuo ng kanilang Christmas Family Photo Op entry at pagbisita ng ilang TP members gaya nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng.

Abala rin ang mag-asawang Junnie at Vien sa pamimili ng kanilang mga kagamitan sa kanilang bagong bahay.

“Kailangan natin bumili ng tabo dahil ‘yun ang pinaka kailangan natin, pati balde,” paalala ni Vien sa asawa.

Matapos ang paghahanda at paglilipat, masayang sinalubong ng Team Iligan-Velasquez ang pasko sa kanilang bagong bahay. Sabay-sabay rin nilang binuksan ang mga regalong natanggap nina Mavi at Viela. 

“Regalo ‘yan ni Santa Claus!” buong galak na saad ni Mavi.

Congratulatory Messages

Samantala, marami na ang naghahangad na mapanood ang kumpletong house tour ng bagong tirahan ng pamilya nina Junnie at Vien.

@turtlerabbitkim7747: “Waiting sa house tour!”

@shielabuenaventura0301: “House tour soon please! Merry Christmas and Happy New Year Mommy Vien and Daddy Junnie Boy!”

@togethermore132: “Ang ganda ng house nyo po! Mas maluwag at maaliwalas! Tsaka parang may tatakbuhan pa yung kids!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Melt Over Cong TV’s Nostalgic Christmas Content for Kidlat and Tokyo

Isang nakakaantig na Christmas content ang hatid ng Team Payaman head na si Lincoln Velasquez,…

3 days ago

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 week ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

1 week ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

1 week ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

1 week ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

1 week ago

This website uses cookies.