Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang ikatlong kaarawan ng kanilang prinsesa na si Alona Viela.
Silipin ang mga tagpo sa simple ngunit puno ng masasayang alaalang selebrasyon ng kaarawan ng unica hija nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.
Sa latest vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, ipinasilip niya ang mga paghahanda na kanilang isinagawa para sa selebrasyon ng ikatlong kaarawan ng kanyang bunso na si Viela.
Gabi pa lang ay dinisenyuhan na ng Team Muyvien ang kanilang bahay upang masigurong may munting background si Viela para sa kanyang mini birthday shoot.
Kwento ni Mommy Vien, naisipan nilang gawing simple ngunit makabuluhan ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagsisimba at pamamasyal kasama ang buong pamilya.
Pagpatak ng alas-dose sama-samang binati at kinantahan ng Team Iligan-Velasquez si Viela ng birthday song dala ang kanyang birthday cake.
Sa una’y tila inaantok pa si Viela, ngunit laking tuwa rin niya nang makita ang cake na personal na binili ng kanyang Mommy at Daddy.
“It’s your birthday today!” ani Daddy Junnie.
Kinabukasan, patuloy paring ipinagdiwang nina Mommy Vien ang kaarawan ni Viela matapos nilang isagawa ang kanyang at-home photoshoot.
Hands-on si Mommy Vien sa paglalagay ng minimal makeup kay Viela suot ang kanyang pastel pink dress at headband.
Matapos ang kanyang photoshoot, nagtungo ang kanilang pamilya sa simbahan at mall upang kumain, maglaro sa arcade at mamasyal.
Laking tuwa rin ni Viela nang makakuha ang kanyang Mommy Vien ng ilang stuffed toys mula sa mga claw machines.
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.